Mundong hiram lamang natin

SHARE THE TRUTH

 183 total views

Mga Kapanalig, nitong mga nakalipas na linggo, halos araw-araw ang pag-ulang dala ng hanging habagat dito sa Luzon. Una na itong pinalakas ng Bagyong Fabian na bagamat hindi tumama sa lupa ay hinigop naman ang hanging nagdala ng malalakas na pag-ulan.

Sa tindi ng pagbaha sa bayan ng Macabebe sa Pampanga, nagdeklara ang kanilang lokal na pamahalaan ng state of calamity. Ganito rin ang nangyayari sa Sablayan, Occidental Mindoro kung saan halos 4,000 pamilya ang naapektuhan ng pagbahang dala ng malakas at tuluy-tuloy na pag-ulan. Maraming pananim, tirahan, at imprastraktura ang napinsala.

Ngunit hindi lamang tayo sa Pilipinas ang nakararanas ng matinding pagbaha. Maging sa ibang bahagi ng mundo na dati ay hindi natin nababalitaang lumulubog sa baha ay sinasalanta na rin nito ngayon. Sa Belgium sa Europa, matinding pagbaha ang naranasan sa timog na bahagi ng bansa at kumitil sa buhay ng 36 na tao. Ayon sa mga Belgians, noon lamang sila nakaranas ng ganoong pagbaha. Maging ang Germany at Netherlands ay nakaranas ng malalang pagbaha. Umabot sa mahigit 200 katao ang naitalang namatay at mahigit 170 naman ang nawawala sa mga bansang sinalanta ng pagbaha.

Nakakapangamba rin ang naranasang pagbaha sa China. Nariyang pumasok pa sa loob ng isang subway ang rumaragasang tubig, at umabot sa 500 katao ang na-trap. Matapos ang insidenteng kumitil sa buhay ng 14 na tao sa probinsya ng Henan, dinumog ng mga tao ang subway na nagsilbing lugar ng kanilang pagluluksa.

Pagkatapos ng ganitong mga kalamidad, bukambibig ang mga katagang “building back better” o ang pagtatayong muli ng mga nasirang ari-arian at mga imprastraktura. Ngunit mas kailangan nating umaksyon na upang pabagalin ang global warming na sanhi ng climate change na nagdadala naman ng matitinding pag-ulan at bagyo. Sabi nga ng Swedish climate activist na si Greta Thunberg, hindi na pwedeng mag-role play ang ating mga liders. Hindi na sila dapat magkunwaring mayroon silang ginagawa habang ang totoo ay nanatiling business as usual ang mga malalaking industriya at mga mayayamang bansang nagbubuga ng greenhouse gases na nagpapainit sa ating planeta. Aniya, hindi nila dapat pinaglalaruan ang kanilang kapangyarihan at magbitiw lamang ng mga panagko. Higit sa lahat, hindi nila dapat pinaglalaruan ang kinabukasan ng mga bata at susunod na henerasyon.

Ganito rin ang mensahe ni Pope Francis sa kanyang encyclical na Laudato Si’. Hinihimok niya tayong mga Katolikong iwanan ang business as usual na pagtugon sa mga problema sa ating kapaligiran. Dapat nating kilalanin ang ating responsibilidad na pangalagaan ang kalikasan bilang bahagi ng ating pagiging Kristiyano. Aniya, “it is good for humanity and the world at large when we believers better recognize the ecological commitments which stem from our convictions and faith.[7] Ang mundo ay ipinahiram lamang sa atin, gaya nga ng sinabi sa atin ng Diyos sa Levitico 25:23 na “pinatitirhan ko lamang sa inyo [ito].” Ito ang pangunahing dahilan upang pagsumikapan nating alagaan ang ating kapaligiran, at isang konkretong hakbang dito, gaya ng sabi ni Greta Thunberg, ay ang pakalampag sa mga nasa kapangyarihan upang hindi nila isakripisyo ang kinabukasan ng mga bata sa ngalan ng kaunlaran.

Mga Kapanalig, maaaring sa gitna ng pandemya ay hindi na natin nagiging alalahanin ang pangangalaga sa kalikasan. Pakatandaan nating kung mas naaalagaan natin ang ating paligid, mas masusugpo natin ang pandemya at maaaring hindi na ito mauulit. Iwan natin sa mga kabataan ang isang mundong ligtas mula sa banta ng mga bagyo at sakunang bunga ng hindi natin pakikinig sa daing ng Inang Kalikasan. Ito ay isang tungkuling nakaugat sa ating pananampalatayang Kristiyano. Biyaya sa atin ng Panginoon ang ating daigdig ngunit sa huli, ito ay hiram lamang natin.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kamag-anak, Inc.

 65,673 total views

 65,673 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »

Diplomasya ang susi

 69,652 total views

 69,652 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »

Educator sa DepEd

 80,544 total views

 80,544 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 92,986 total views

 92,986 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »

Hamon ng Climate Change

 103,747 total views

 103,747 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 65,674 total views

 65,674 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 69,653 total views

 69,653 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 80,545 total views

 80,545 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 92,987 total views

 92,987 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 103,748 total views

 103,748 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pangangalaga sa Bata para sa Kinabukasan ng Bansa

 51,683 total views

 51,683 total views Kung nais mo makita ang kinabukasan ng bansa, kapanalig, tingnan mo na lamang kung paano natin inaalagaan ang mga bata. Ito ang magtatakda ng direksyon ng ating bayan sa darating na panahon. Ang mga bata ay kayamanan ng bawat lipunan. Sila ang magmamana at magpapatuloy ng ating mga adhikain at mithiin. Ipapasa natin

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alagaan ang mental health ng mga estudyante

 51,228 total views

 51,228 total views Mga Kapanalig, sa pagtutok natin sa kalusugan ng mga bata at kabataan, nabibigyang-pansin din ba ang kalusugan ng kanilang pag-iisip o mental health? Kung ang sagot ninyo ay “hindi,” mukhang kailangan natin itong pansinin. Tumaas daw kasi ang suicide rate sa mga kabataan noong 2023. Ayon sa Unilab Foundation, may 404 na kaso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition

 53,452 total views

 53,452 total views Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang buwan, ilang beses na inilagay sa yellow at red alert ng National Grid Corporation of the Philippines ang Luzon at Visayas power grids. Ito raw ay dahil sa pagpalya ng ilang power plants at hindi sapat na suplay ng kuryente na nagdulot ng power interruptions at pagtaas ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy na panawagan para sa katarungan

 46,952 total views

 46,952 total views Mga Kapanalig, hinatulang guilty ng Caloocan Regional Trial Court ang apat na pulis mula Caloocan City sa salang homicide kaugnay ng pagkamatay noong 2016 nina Luis Bonifacio at kanyang anak na si Gabriel, 19 anyos, sa isang operasyon sa ilalim ng war on drugs ni dating Pangulong Duterte.  Kuwento ng misis ni Luis,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga Hamon sa Kabataan

 46,303 total views

 46,303 total views Ang mga bata ay itinuturing na pinakamahalagang yaman ng isang bansa. Sila ang kinabukasan at pag-asa ng lipunan. Sa Pilipinas, ang karapatan ng mga bata ay pinahahalagahan at pinoprotektahan ng batas. Pero sa kabila nito, marami pa ring bata ang nakararanas ng iba’t ibang uri ng pang-aabuso, karahasan, at diskriminasyon. Maraming hamon sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inequality sa ating Bayan

 52,171 total views

 52,171 total views Ang hindi pagkakapantay-pantay o inequality sa Pilipinas ay isang napakalalim at malawak na isyu. Malaki ang epekto nito sa lipunan, ekonomiya, at pulitika ng bansa. Sa kabila ng mga pagsisikap na ginagawa ng pamahalaan at iba’t ibang sektor upang mapabuti ang kalagayan ng mga mamamayan, nananatiling matindi ang agwat sa pagitan ng mayaman

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga Katutubo

 55,917 total views

 55,917 total views Kapanalig, ang mga katutubo o indigenous peoples (IPs) ay kapwa natin Pilipino – pero hindi ba’t parang invisible sila sa ating bayan? Ang IPs ay kapatid natin sa kasaysayan, kultura, at pagkakakilanlan. Ang ating mga tradisyon, paniniwala, paraan ng pamumuhay ay ating mata-trace sa kanila. Ang ating common heritage ay nagpapakita ng yaman

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pera, hindi tao, ang mahalaga sa POGO

 61,867 total views

 61,867 total views Mga Kapanalig, sa raid na ginawa sa isa na namang POGO hub kamakailan, naka-recover ang mga awtoridad ng iligal na droga, libu-libong pera, alahas, at torture devices.  Nangyari ito sa POGO hub sa bayan ng Porac sa Pampanga. Nasamsam ng mga tauhan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (o PAOCC) ang mga bagay na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Proteksyon para sa mga magsasaka

 42,054 total views

 42,054 total views Mga Kapanalig, malapit nang matapos ang pangalawang taon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr, pero hinahanap pa rin ng marami sa atin ang pangako niyang gawing ₱20 kada kilo ang presyo ng bigas.  Malapit na raw itong mangyari. Pagsapit daw ng Agosto, inaasahan ng gobyernong bababa sa ₱29 kada kilo ang pinakamababang presyo ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Panagutin ang dapat panagutin

 53,173 total views

 53,173 total views Mga Kapanalig, natatandaan pa ba ninyo ang kontrobersyal na kompanyang Pharmally Pharmaceutical Corporation? Maikling rewind lang po tayo. Noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic, bumili ang gobyerno sa Pharmally ng sandamakmak na medical PPE (o personal protective equipment), katulad ng face masks at face shields. Umabot sa 11.5 bilyong piso ang ibinayad sa naturang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top