Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Nagbabadya na ang eleksyon 2022

SHARE THE TRUTH

 201 total views

Mga Kapanalig, pitong buwan na lang at malalaman na natin ang mga kandidato sa eleksyon sa susunod na taon. Kapansin-pansin na ang panakanakang tarpaulin sa mga kalsada at mga ayudang may nakaimprentang mukha ng mga nais magpabango ng kanilang pangalan sa gitna ng pandemya. Senyales na ang mga ito na panahon na naman ng panliligaw ng mga pulitiko sa mga botante.

Noong nakaraang buwan, nagdaos ang mga tagasuporta ng anak ni Presidente Duterte na si Davao City Mayor Sara Duterte ng isang motorcade sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Layunin ng sabay-sabay na motorcade na hikayatin ang anak ng pangulo na tumakbo sa posisyong iiwan ng kanyang ama. Sa kabila nito, naniniwala si Pangulong Duterte na hindi kaya ng babae—kahit pa ng kanyang anak—ang maging pangulo ng bansa.



Ang mukhang napipisil ng pangulo ang kanyang kanang-kamay na si Senator Bong Go. Noong isang linggo, biniro ng pangulo ang senador sa isa niyang talumpati na nais na daw ipa-announce ng senador sa kanya ang kagustuhan niyang tumakbo sa susunod na halalan. Biro lamang daw ito ng pangulo, paglilinaw naman ni Senator Go. Tatakbo raw siya kung tatakbo ang pangulo bilang kanyang bise-presidente. Hindi ito malayong mangyari dahil ilang linggo na ang nakararan nang maglabas ng resolution ang PDP-Laban, ang partido ng pangulo, na hinihikayat nga siyang tumakbo sa pagkabise-presidente.

Hindi naman ikinatuwa ni Senator Manny Pacquiao ang paglalabas ng nasabing resolution ng PDP-Laban, kung saan siya ang chairman, dahil hindi niya raw ito alam. Binantaan pa ng senador ang vice-chairman ng partido na huwag magdulot ng pagkakahati sa loob ng partido. Matatandaan nating may ambisyon din ang senador na tumakbo bilang pangulo sa susunod na eleksyon.

Samantala, inilunsad noong isang linggo ang 1Sambayan, ang koalisyon ng mga demokratikong grupong tatayong oposisyon sa darating na eleksyon. Pinangungunahan ito nina dating Senior Justice Antonio Carpio, dating Foreign Secretary Albert del Rosario, dating Ombudsman Conchita Carpio Morales, at iba’t ibang personalidad mula sa iba’t ibang sektor at partidong pulitikal katulad ng Bayan Muna at Magdalo. Ayon kay Justice Carpio, hangarin ng koalisyong magsama-sama upang bumuo ng isang pwersang ibabalik ang mabuting pamumuno o good governance sa pamahalaan. Dagdag pa niya, dapat itakwil ng mga Pilipino ang sumusuporta sa mga diktador, ang mga nagtataguyod ng patakarang “kill, kill, kill”, at lahat ng hindi kayang piliin ang Pilipinas sa usaping teritoryo sa West Philippine Sea. Magkakaroon daw ng selection process kung saan may interview at konsultasyon sa taumbayan upang mapili ang ang mga kandidatong susuportahan ng koalisyon.



Mga Kapanalig, naniniwala ang Simabahan sa kahalagahan ng eleksyon sa pagtataguyod ng demokrasya at kaunlaran ng lipunan. Sa pamamagitan ng eleksyon, napapanagot natin ang mga lingkod-bayan na ating iniluklok. Ito ay bahagi ng ating kapangyarihan upang masigurong tumatahak tayo sa daang patungo sa ating mga hangarin bilang isang bayan. Sa harap ng mga pagkilos mula sa iba’t ibang grupong naghahanda na para sa eleksyon, umpisahan natin ang pagninilay at pagpapanagot sa mga kasalukuyan nating lider at ang pagkilatis sa mga susunod nating pinuno. Isang akmang tanong na hango sa 1 Timoteo 3;1: sa kanilang mga nagnanais na maging tagapangasiwa natin, sino nga ba ang naghahangad ng mabuting gawain?

Sa huli, mga Kapanalig, tayong lahat ay responsable sa kapalaran ng ating bayan. Itataya natin ang ating mga paniniwala at prinsipyo sa mga kandidatong pipiliin natin. Nawa’y tulad ng pagsasalarawan ni Pope Francis sa kanyang aklat na Let Us Dream, ang ating mga iboboto ay “mga pulitikong naglilingkod at hindi kinakasangkapan ang taumbayan; silang lumalakad kasama ang sinasabing kinakatawan nila; at silang bitbit ang amoy ng itinuturing nilang kawan.”

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 6,640 total views

 6,640 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 19,780 total views

 19,780 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 25,753 total views

 25,753 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 31,508 total views

 31,508 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 38,770 total views

 38,770 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 6,641 total views

 6,641 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 19,781 total views

 19,781 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 25,754 total views

 25,754 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 31,509 total views

 31,509 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 38,771 total views

 38,771 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 41,106 total views

 41,106 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 36,487 total views

 36,487 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 48,491 total views

 48,491 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 56,533 total views

 56,533 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 48,090 total views

 48,090 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 46,515 total views

 46,515 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 48,301 total views

 48,301 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 45,226 total views

 45,226 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 59,540 total views

 59,540 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 63,230 total views

 63,230 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top