Mamamayan, inaanyayahan sa Virtual Visita Iglesia in Laguna

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 732 total reads

Magnilay, magsisi at patuloy na manalangin ngayong pandemya.

Ito ang paanyaya ng Diocese of San Pablo kaugnay sa kauna-unahang Virtual Visita Iglesia in Laguna na inilunsad sa paggunita ng Semana Santa sa gitna ng patuloy na banta ng COVID-19 pandemic.

Inilunsad ang Virtual Visita Iglesia sa Laguna – Daan ng Krus 2021 na handog ng pamahalaang panlalawigan ng Laguna sa pamamagitan ng Laguna Tourism Culture Arts and Trade Office katuwang ang Diocese of San Pablo at ng Virtual Reality Travel para sa paggunita ng Semana Santa.

Ayon kay Diocese of San Pablo Bishop Buenaventura Famadico, ang kauna-unahang Virtual Visita Iglesia in Laguna ay isang paraan upang ligtas na makiisa ang mananampalataya sa paghihirap at kamatayan ni Hesus sa pamamagitan ng Visita Iglesia at pakikilahok sa Station of the Cross sa kanilang mga tahanan.

“Inaanyayahan ko po kayo na makiisa sa lahat ng mga mananampalataya dito sa ating diyosesis at sa ibang mga lugar din, dadalaw sa iba’t ibang mga Simbahan dito sa Diyosesis ng San Pablo pupunta doon habang kayo ay nanunuod [ligtas sa virus mula sa mga tahanan], kayo ay nagdadasal, gumagawa ng Station of the Cross at naroon yung pakikiisa sa paghihirap at kamatayan ni Hesus.” paanyaya ni Bishop Famadico.

Naniniwala naman si Laguna Governor Ramil Hernandez na napapanahon ang kolaborasyon ng pamahalaang panlalawigan at ng Simbahan upang makabuluhang maipamalas at maisabuhay ang pananampalatayang Katoliko .

Hinimok ng gobernador ang mga mananampalataya na makiisa sa makabuluhang aktibidad upang magpasalamat sa Diyos sa patuloy niyang paggabay at pagprotekta sa atin.

Iginiit naman ng Laguna Tourism Culture Arts and Trade Office na pinangangasiwaan ni Ms. Regina Austria na natatangi ang inisyatibong ito upang maisakatuparan ang pagpapahayag ng pananampalataya ng mga Katoliko ngayong Semana Santa.

Ang Virtual Visita Iglesia ay isang natatanging programa kung saan maaaring makapaglibot ang mga mananampalataya sa iba’t-ibang Simbahan sa lalawigan ng Laguna sa isang makabago at ligtas na pamamaraan.

Tampok sa kauna-unahang Virtual Visita Iglesia in Laguna ang 30 parokya mula sa iba’t-ibang syudad at munisipalidad sa lalawigan ng Laguna na maaaring mapuntahan sa pamamagitan ng pagbisita sa Virtual.Reality.Travel website.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 1,530 total reads

 1,530 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 3,607 total reads

 3,607 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 11,559 total reads

 11,559 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 48,937 total reads

 48,937 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 80,208 total reads

 80,208 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 157,004 total reads

 157,004 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 250,676 total reads

 250,676 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 23,904 total reads

 23,904 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top