Let us not allow our guards down

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 474 total reads

Huwag maging kampante laban sa COVID-19.

Ito ang paalala ni Camillian priest Fr. Dan Vicente Cancino, Executive Secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care sa muling pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa.

Ayon kay Fr. Cancino, marahil ang pagiging kampante ng mga tao ang dahilan nang muling pagtaas ng bilang ng mga nagpositibo sa virus.

Muli namang ipinapaalala ng pari na ugaliin ang pagsunod sa minimum healthcare standards tulad ng pagsusuot ng facemask at face shield, maging ang paghuhugas ng kamay o paglalagay ng hand sanitizers at ang physical distancing upang makaiwas na mahawaan ng sakit.

“Baka naging kampante tayo. Kaya ang mensahe natin [ay] bumalik tayo doon sa pagiging vigilant. Doon pa rin tayo sa tamang paggamit ng minimum public healthcare standards,” pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi ng opisyal ng C-B-C-P na maraming tao na tinitingnan ang COVID-19 vaccine bilang pag-asa laban sa nakamamatay na sakit.

Paglilinaw ni Fr. Cancino na kahit nabakunahan na ay hindi pa rin maiiwasan na hindi mahawaan ng sakit, ngunit mababawasan lamang ng vaccine ang epekto ng virus sa katawan ng tao.

Patuloy namang nananawagan sa publiko ang pamahalaan at simbahan na magpabakuna laban sa virus upang tuluyan na itong humupa at hindi na magdulot pa ng pagkabahala sa mamamayan.

Batay sa huling ulat ng Department of Health, nakapagtala ng 7,757 panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa, habang 15,288 ang mga gumaling at 39 naman ang mga nasawi.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 53,109 total reads

 53,109 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 103,527 total reads

 103,527 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 224,107 total reads

 224,107 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 274,464 total reads

 274,464 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 399,507 total reads

 399,507 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 234,085 total reads

 234,085 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top