Diocese of Bayombong, makikiisa sa Earth Hour 2021

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 794 total reads

Hinihikayat ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao ang mga mananampalataya na makibahagi sa gaganaping Earth Hour 2021 na magaganap sa ika-27 ng Marso.

Ayon kay Bishop Mangalinao, ang pagpapatay ng ilaw sa Earth Hour ay ang pagkakataon upang matulungan ang mundo na muling makapagpahinga mula sa iba’t-ibang pagsubok na dinagdagan pa ng krisis pangkalusugan at climate emergency.

“While we turn off all the lights, it is only by this darkness that the Earth will heal; and that is the time that we could be of help to the planet that we all want to take care of,” pahayag ni Bishop Mangalinao sa panayam ng Radio Veritas.

Ipinaliwanag ng Obispo na ang Earth Hour ay hindi lamang isang beses sa isang taon ginagawa, kundi ito ay dapat palagiang isinasabuhay ng bawat isang naninirahan sa nag-iisang tahanang inihandog ng Diyo sa lahat.

“Kaya ang Earth Hour po ay hindi lamang minsanan, hindi lamang po isang araw o ilang araw. Bawat sandali ng ating buhay sa mundo [ay] kinakailangang bukas tayo sa pangangalaga sa tao, sa pamayanan, sa kalikasan. Itong ating tinatamasa ay regalo ng Diyos sa ating lahat,” paglilinaw ni Bishop Mangalinao.

Nanawagan naman ng Obispo sa mga mananampalataya na sundin ang panawagan ng Kanyang Kabanalan Francisco mula sa kanyang Laudato Si hinggil sa wastong pangangalaga at pagmamalasakit sa ating nag-iisang tahanan.

“Maging bukas po tayo sa panawagan ng ating mahal na Santo Papa na meron lang tayong iisang mundong ginagalawan na habang ating pinangangalagaan ay siguradong pangangalagaan din tayo. Subalit anumang pagkasira na gagawin natin dito [sa kalikasan] ay mas malaking pagkasira sa buhay nating lahat,” ayon kay Bishop Mangalinao.

Hinihimok sa Laudato Si ni Pope Francis ang mga mananampalataya na pangalagaan ang sangnilikha upang hindi tayo maging biktima ng pinsalang dulot ng ating kapabayaan.

Umaapela din si Bishop Mangalinao sa mga pari at relihiyoso na maging halimbawa ng pangangalaga at pagmamalasakit sa ating nag-iisang tahanan.

Sinabi ng Obispo na malaki ang magagawa ng simbahan sa pangunguna sa pagpapaliwanag at maging mabuting halimbawa sa wastong pangangalaga sa inang kalikasan.

Tema ng Earth Hour 2021 ang #SpeakUpForNature.

Ipagdiriwang sa Marso 27 ang ika-14 na taon ng Earth Hour sa iba’t-ibang bahagi ng bansa at mundo kung saan ganap na alas-8:30 hanggang 9:30 ng gabi ay gagawin ang pagpapatay ng mga ilaw at mga de-kuryenteng kagamitan.

Naunang nagpahayag ng pakikiisa ang Archdiocese of Manila at Diocese of Kalookan sa Earth Hour 2021.

Read: https://www.veritas846.ph/bigyan-ng-saglit-na-pahinga-ang-kalikasan-panawagan-ni-bishop-david/
https://www.veritas846.ph/bigyan-ng-saglit-na-pahinga-ang-kalikasan-panawagan-ni-bishop-david/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 66,121 total reads

 66,121 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 161,939 total reads

 161,939 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 206,207 total reads

 206,207 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 229,316 total reads

 229,316 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 301,466 total reads

 301,466 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 146,302 total reads

 146,302 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top