Nagbabadyang gun culture?

SHARE THE TRUTH

 208,369 total views

Mga Kapanalig, pinapayagan nang muli ng Philippine National Police (o PNP) ang pagkakaroon ng mga sibilyan ng semi-automatic rifles. Ito ay matapos amyendahan ng PNP ang implementing rules and regulations ng Republic Act No. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Act. 

Ipinasá noong 2013 ang naturang batas na naglilimita sa pagmamay-ari ng ordinaryong mamamayan ng baril. Mabababang kalibre lamang ng baril, gaya ng handgun, ang pwede lamang palisensyahan ng mga sibilyan. Tugon iyon sa paglaganap ng tinatawag na loose firearms o mga di-lisensyadong armas at mga lisensyadong baril pero nasa kamay ng iba. Datos mismo ng PNP ang nagsabing maraming krimen noon ay ginamitan ng baril. Nasa 400,000 din daw ang mga loose firearms noon.

Inalmahan ang Comprehensive Firearms and Ammunition Act ng mga tao at grupong concerned daw sa seguridad ng mga sibilyan. Kaya naman, bumuo ang PNP ng isang technical working group na tumalakay sa mga bagay na ito pati na rin sa panganib na maaaring maging kaakibat ng pagmamay-ari ng mga sibilyan ng semi-automatic rifles. Sa huli, paliwanag ng PNP, mas nanaig ang paniniwala ng TWG na kaya namang maging responsable ng mga taong gustong magkaroon ng ganitong uri ng armas. Tiwala ang ating kapulisan na kung responsable talaga ang mga gustong magmay-ari ng riple, papayag silang iparehistro ang kanilang armas. 

May mga ilalatag din daw na mga safeguards para hindi abusuhin ang batas. Hindi raw basta-bastang pwedeng magkaroon ng riple ang sinuman. Kasama sa mga requirements ang pagkakaroon ng police clearance, pagsasailalim sa psychiatric at drug tests, at pagdaan sa mga training. 

Sa track record ng pagpapatupad ng maraming batas sa ating bansa, mahirap na hindi mangamba sa batas na ito. Kaligtasan at buhay ng tao ang nakataya kapag ang mga armas na ito, mababang kalibre man, ay mapunta sa kamay ng mga iresponsableng tao. Ilang beses na tayong may napanood o nabasang balita tungkol sa mga karahasang sinisimulan ng mga taong may armas. Naaalala pa ba ninyo ang balita noon tungkol sa isang dating pulis na kinasahan ng baril ang isang siklista na nakagitgitan niya sa daan?

May mga nangangamba ring lumaganap ang tinatawag na gun culture dahil sa pagbabagong ito sa regulasyong may kinalaman sa pagmamay-ari ng baril. Ang grupong Gunless Society of the Philippines ay ginawang halimbawa ang mga mass shooting na nangyayari sa Amerika. Doon kasi, mas madaling magmay-ari ng baril ang mga sibilyan bilang pagkilala raw sa karapatan nilang ipagtanggol ang kanilang sarili. Sa tingin ninyo, mga Kapanalig, posible rin ba itong mangyari sa ating bansa?

Hindi natin masisisi ang mga kababayan nating nag-aalala sa kanilang seguridad, lalo na’t hindi mawawala ang mga masasamang-loob na nais mambiktima ng kanilang kapwa. Ngunit hindi ba ito salamin ng kakulangan ng kakayahan ng mga alagad ng batas na protektahan tayong mga mamamayan mula sa kapahamakan? O kaya ay ng kawalan natin ng tiwala sa kanilang agad na rumesponde kapag may krimen? 

Sa isang panayam noong isang taon, sinabi ni Pope Francis na ikinalulungkot niya na ang paggamit ng baril ng mga sibilyan upang ipagtanggol ang kanilang mga sarili ay naging “habit” na, nakagawian na. Binatikos niya ang malalaking negosyong nakikinabang sa paglalako ng ideyang baril ang pananggalan ng tao laban sa kasamaan. Mahigpit man o hindi ang mga regulasyon, tinutulungan ng pagbebenta ng mga baril at armas ang mga taong pumatay.

Mga Kapanalig, sikapin nating umiwas sa karahasan at sa paggamit ng mga armas. Sikapin nating gawing “talim ng araro ang mga tabak, at karit naman ang mga sibat,” paalala nga sa Mikas 4:3. Dasal nating hindi maabuso ang batas ng bansa tungkol sa pagmamay-ari ng baril.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Financial Inclusion

 7,783 total views

 7,783 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »

Benepisyo ng Digital Technology

 12,028 total views

 12,028 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »

Alin ang mas matimbang?

 18,943 total views

 18,943 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »

Kultura ng pagpapanagot

 34,321 total views

 34,321 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »

Maging tapat sa taumbayan

 46,745 total views

 46,745 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 7,785 total views

 7,785 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Benepisyo ng Digital Technology

 12,030 total views

 12,030 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alin ang mas matimbang?

 18,945 total views

 18,945 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kultura ng pagpapanagot

 34,323 total views

 34,323 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging tapat sa taumbayan

 46,747 total views

 46,747 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Farm lots

 56,182 total views

 56,182 total views Kapanalig, usong uso na ang farm lots sa ngayon. Kapag sumilip ka sa social media, ang daming nagbebenta ng mga lupang agrikultural. May mga mahal, may mga mura. May mga rights lang na tinatawag, may mga may titulo o certificates. Madami ang nais bumili, kapanalig, kaya nga’t tumataas ng tumataas ang halaga ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Wage Gap

 57,388 total views

 57,388 total views Kapanalig, ang ganda ng achievement ng Pilipinas pagdating sa gender equality in education. Sa larangan kasi ng edukasyon, equal na o pantay na ang access ng babae at lalake. Sana hindi natin masayang ito kapanalig. Malaking milestone na ito pagdating sa gender issues sa ating bayan. Kaya lamang pagtapos makapag-aral ng maraming kababaihan,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Education Equality

 67,379 total views

 67,379 total views Kapanalig, ang gender equality sa Pilipinas ay isa sa mga hinahangaan sa Asya. Itong 2023, pang 16 pa nga ang bayan sa 146 countries sa buong mundo pagdating sa gender equality, ayon sa Global Gender Gap Index Report. Pang 19 tayo dito noong 2022. Tayo ang pinaka gender equal sa Asya. Apat na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bigyang-pansin ang pagpapabakuna

 52,764 total views

 52,764 total views Mga Kapanalig, ang inyong mga anak, gaya ng sabi sa Mga Awit 127:3, ay mga pagpapalang kaloob ni Yahweh. Bilang mga regalong galing sa ating Diyos, paano ninyo ipinakikita ang pagpapahalaga sa inyong mga anak? Siguro, ang pinakamadaling sagot dito ay ang pagbibigay ng kanilang mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, tirahan, at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive mobility

 67,523 total views

 67,523 total views Mga Kapanalig, simula ngayong linggo, bawal nang dumaan ang mga light electric vehicles (o LEVs) katulad ng e-bikes, e-trikes, at e-scooters sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila. Ang lalabag sa patakarang ito ng MMDA ay pagmumultahin ng ₱2,500. Kukumpiskahin din ang ‘di rehistradong LEV. Hindi natin maikakailang dumarami ang tumatangkilik ng LEVs

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Para sa content?

 58,017 total views

 58,017 total views Mga Kanapalig, napanood ba ninyo ang video ng mga vloggers mula sa South Cotabato kasama ang dalawang tarsier?  Makikita sa video ang isang vlogger na tumatawa habang hawak-hawak ang isang tarsier. Kausap niya ang may hawak ng camera na noong una ay ipinakikita lamang ang isa pang tarsier na nakakapit sa tangkay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kabuhayan sa Bangketa

 77,414 total views

 77,414 total views Ang bangketa ay maraming bagay para sa mga Pilipino. Ito ay daanan, minsan tahanan, at kadalasan, tindahan ng maraming Pilipino. Dahil sa hirap ng buhay, oo, pati bangketa ay nagiging pwesto na ng maraming maliliit na negosyanteng Pilipino. Ang bangketa kasi ay daluyan ng tao, at kung saan may tao, may benta. Kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Street People

 88,529 total views

 88,529 total views Kapanalig, buksan natin ang ating mga mata. Dito sa Metro Manila, napakarami ng mga Pilipinong sa kalye nananahan, at tinatayang mga 250,000 dito ay mga children in street situations o CISS. Tahakin mo lang ang ilang major roads sa ating bayan, bubungad na agad sila. Mga Pilipinong nasa kalye ang hanapbuhay, at sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buhay sa Slum Settlements

 92,450 total views

 92,450 total views Madilim. Masikip. Marumi. Ito ay ilan lamang sa mga salitang naglalarawan sa mga slum areas sa ating bayan. Ang mga daanan sa ganitong lugar, motor o tao lamang ang kasya. Nagsasalubong na ang kanilang mga bubong kaya minsan, kahit araw, madilim sa mga eskinita. At dahil malayo sa daanan ng mga garbage collectors,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga katutubong pinaasa at pinalayas

 75,377 total views

 75,377 total views Mga Kapanalig, nagulat at nanlumo ang 44 na miyembro ng tribong Ati sa isla ng Boracay nang palayasin sila sa lupang inakala nilang napakasamay na nila. Linggo ng Palaspas nang dumating ang mga guwardyang naglagay ng mga piraso ng yero upang paligiran ang lupa. Hindi sila pinapasok ang mga katutubo kahit pa namagitan

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top