Bagong Obispo ng Diocese of Alaminos, humiling ng panalangin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,564 total views

Humiling ng panalangin ang bagong obispo ng Diocese of Alaminos para sa tatahaking misyon na pagpapastol sa mahigit kalahating milyong kawan.

Batid ni Bishop Napoleon Sipalay, Jr. na kaakibat nito ang isang malaking tungkuling gagampanan kaya’t mahalaga ang mga panalangin upang manatili ang diwa ng paglilingkod at pagmimisyon sa kawang ipinagkatiwala ng simbahan sa kanyang pangangalaga.

This is a blessing from God, and I willingly accept it. Though I am not worthy, God called me to this mission. Please pray for me that in this calling I can give myself. I also ask for the maternal care of Our Blessed Mother, to help me sustain in this new mission,” pahayag ni Bishop Sipalay sa Radio Veritas.

Inordinahan si Bishop Sipalay nitong March 18 sa Minor Basilica of Our Lady of Manaoag sa pangunguna ni Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas habang nagsilbing co-consecrator naman si Urdaneta Bishop Jacinto Jose at Lingayen Dagupan Auxiliary Bishop Fidelis Layog.

Ikinalugod naman ni Alaminos Bishop Emeritus Jesus Cabrera ang pagdating ni Bishop Sipalay sa kanilang diyosesis naging sede vacante ng apat na taon.
Aniya higit kinakailangan ang obispo na mangangasiwa sa diyosesis upang mapaglingkuran ang bawat nasasakupang pamayanan lalo na ang malalayong lugar.

Tiniyak ni Bishop Cabrera ang patuloy na suporta at panalangin para sa ikaapat na obispo ng Alaminos lalo na sa gawaing pagpapastol.

I wish Bishop Jun that the Good Shepherd will shower him all the blessings, I know he is a very good bishop and priest to lead his flock. We wil continue to pray for him,” pahayag ni Bishop Cabrera sa himpilan.

January 28 nang italaga ng Santo Papa Francisco si Bishop Sipalay na kahalili kay noo’y Bishop Ricardo Baccay na itinalagang arsobispo sa Tuguegarao noong October 2019.

Pinasalamatan din nito si Lingayen-Dagupan Auxiliary Bishop Fidelis Layog na nagsilbing Apostolic Administrator sa diyosesis habang sede vacante.

Dumalo sa episcopal ordination ang humigit kumulang 30 mga obispo ng bansa kabilang na ang Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na nagbahagi ng pagninilay habang nagpaabot din ng mensahe si Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown.

Pormal na iluluklok si Bishop Sipalay bilang ikaapat na obispo ng Alaminos sa March 19 kasabay ng kapistahan ni San Jose Kabiyak ni Maria sa Saint Joseph the Patriarch Cathedral Parish sa alas 10 ng umaga.

Si Bishop Sipalay ang ikatlong Filipinong Dominikano na itinalagang obispo sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 50,007 total views

 50,007 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 45,876 total views

 45,876 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 82,078 total views

 82,078 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 90,714 total views

 90,714 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 115,812 total views

 115,812 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top