UAE, nagbigay ng 55-milyong pisong tulong sa mga biktima ng landslide sa Davao De Oro

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,945 total reads

Pinangunahan ng 10th Infrantry Division ng Philippine Army katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang relief goods na donasyon ng United Arab Emirates (UAE) sa mga biktima ng landslide sa Maco, Davao De Oro.

Ipinamahagi sa mga mamamayang nananatili sa evacuation centers ng Masara, Davao De Oro ang relief goods na nagkakahalaga ng 55-million pesos sa panguguna ni U-A-E Ambassador to the Philippines Mohammed Obaid Alqattam Aizaba katulong si Davao De Oro Governor Dorothy Montejo Gonzaga, 1001st Infantry Brigade Commander Brigadier General Felix Ronnie Babac at DSWD Secretary Rex Gatchalian.

“Gusto sana nilang iturnover sa DSWD pero sabi namin sila na lang ang mga procure, sila na lang ang pumili ng mga laman na gusto nilang ibigay. Pauna lamang po ito na tulong ng United Arab Emirates. Hindi po kami ang lumapit sa kanila, sila ang pumunta sa aming tanggapan,” ayon sa menashe ni Gatchalian na ipinadala ng Philippine Army sa Radio Veritas.

Lubos naman ang pasasalamat ni Gatchalian sa mga tumulong upang maipamahagi ang relief goods sa mga pamilyang lubhang naapektuhan ng masamang panahon, matinding pagbaha at landslide sa lalawigan.

Sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction Management Council, nasa 90-katao ang nasawi sa landslide sa Maco Davao De Oro.

Unang kinilala ni Military Ordinariate of the Philippines Bishops Oscar Jaime Florencio ang pinaigting na pakikipag-tulungan ng Armed Forces of the Philippines sa ibang bansa upang mapabilis ang pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayang masasalanta ng anumang uri ng kalamidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 39,433 total reads

 39,433 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 75,132 total reads

 75,132 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 301,402 total reads

 301,402 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 194,870 total reads

 194,870 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 286,781 total reads

 286,781 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top