Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Agrikultura at ekonomiya

SHARE THE TRUTH

 219,639 total views

Mga Kapanalig, hindi pa man tayo umaabot sa tinatawag na peak o pinakamatinding bahagi ng nagpapatuloy na El Niño, umabot na sa 151.3 milyong piso ang halaga ng pinsalang idinulot nito sa sektor ng agrikultura. 

Ito ang pagtataya ng ating Department of Agriculture batay na rin sa datos na libu-libong tonelada ng palay at mais mula sa mahigit 3,000 na ektarya ng mga taniman ang nasira na dahil sa matinding tagtuyot. Ang mga pinakaapektadong magsasaka naman ay matatagpuan sa Western Visayas at Zamboanga Peninsula. Binigyan na raw sila ng ating gobyerno ng tulong katulad ng mga buto ng gulay na maaari nilang itanim pansamantala at mga materyales sa pagtatanim ng mga tinatawag na high-value crops na kaunting tubig lang ang kailangan. Nagsimula ang El Niño noong Hulyo ng nakaraang taon at inaasahan ng PAG-ASA na matatapos hanggang sa Abril ngayong taon. Nakababahalang titindi pa ang negatibong epekto nito sa ating agrikultura. Noong isang taon nga, 0.7% lamang ang inilago ng halaga ng ating produksyon sa agrikultura at pangisdaan. Ang kalagayan ng sektor ng agrikutura ay may epekto naman sa ating ekonomiya.

Dapat itong bantayan ng lahat, lalo na ng gobyerno. Sa survey pa naman na ginawa ng Social Weather Stations (o SWS), apat lang sa sampung Pilipino (o 40%) ang umaasang bubuti ang kalagayan ng ating ekonomiya ngayong 2024. Ito ang pinakamababang economic optimism mula noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic kung saan nasa 30% lang noong Hulyo 2020 at 33% noong Setyembre 2020 ang nagsabing bubuti ang ekonomiya sa bansa. Ang datos ngayong 2024, na batay sa survey na ginawa noong bago matapos ang 2023, ay malayo rin sa 56% nang umupo sa puwesto si Pangulong Bongbong Marcos Jr noong 2022. 

Kung magpapatuloy ang pinsala ng El Niño sa ating agrikultura at hindi maaagapan ang mga epekto nito, babagal ang paglago ng ekonomiya. Kung mahina ang ating ekonomiya, maraming kababayan natin, kasama na ang mga magsasaka at nakasalalay sa agrikultura, ang mahihirapang makaraos sa araw-araw. 

Natural na phenomenon ang El Niño. Ibig sabihin, alam natin kung kailan ito sasapit at kailan ito magtatapos. Alam din natin ang mga epekto nito, lalo na sa sektor ng agrikultura. Sa Pilipinas, tagtuyot ang dala ng El Niño at mas mainit kaysa sa inaasahan ang temperatura. Dahil sa matinding init, ekta-ektaryang mga sakahan ang hindi magiging produktibo. Kung may mga tanim man, kakaunti ang magiging ani. Mababawasan ang tubig na magagamit para sa irigasyon dahil kakaunti o walang ulang magdadala ng tubig sa mga dam at sakahan. Mapipilitan ang ating magsasakang kumuha ng tubig mula sa ilalim ng lupa, at dagdag-gatos ito para sa kanila.

Kaya naman, mahalagang pinaghahandaan ng pamahalaan ang El Niño twuing sumasapit ito. Sa laki ng halaga ng pinsalang dala nito mula noong isang taon, mukhang kulang pa ang ating paghahanda at pagtugon. Sa dulo, ang mamamayan—lalo na ang mga magsasaka at ang mahihirap—ang magtitiis. Ito sana ang mas pinagtutuunan ng pansin ng ating mga pinuno—sa halip na ang pagbabago ng Konstitusyon at paggatong sa alitan ng mga magkakaaway na pulitiko. Maging babala sana ang sinasabi sa Mga Kawikaan 21:13, “Ang hindi pumapansin sa daing ng mahirap, daraing din balang araw ngunit walang lilingap.” Dumaraing ang ating mga magsasaka at mga dukhang walang makain. Naririnig ba sila ng mga nasa poder? Masasabi ba nating may pagkiling sila sa mahihirap, na mahalagang prinsipyo ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan?

Mga Kapanalig, ang pagtugon natin tuwing El Niño ay hindi lang dapat pangmatagalan at batay sa siyensya. Nakatuon din dapat ito sa kapakanan ng mga kapatid nating pinakamaaapektuhan. 

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Dugo sa kamay ng mga pulis

 659 total views

 659 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan

Read More »

“Same pattern” kapag may kalamidad

 9,352 total views

 9,352 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »

Moral conscience

 24,120 total views

 24,120 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 31,243 total views

 31,243 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »

Season of Creation

 38,446 total views

 38,446 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dugo sa kamay ng mga pulis

 660 total views

 660 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

“Same pattern” kapag may kalamidad

 9,353 total views

 9,353 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Moral conscience

 24,121 total views

 24,121 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagpa-parking/budget insertions

 31,244 total views

 31,244 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Season of Creation

 38,447 total views

 38,447 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bulag na tagasunod

 43,660 total views

 43,660 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag kalimutan ang mga desaparecidos

 43,361 total views

 43,361 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Setyembre ay Philippine Film Industry Month. Sinimulan ito noong 2021 upang pangalagaan at pagyamanin ang kultura ng pelikulang Pilipino batay sa prinsipyo ng pagkakaisa sa pagkakaiba-iba o “unity in diversity”. Pinahahalagahan din ang pagkakaroon ng malayang artistic and intellectual expression. Ngunit taliwas sa pagdiriwang na ito ang tila

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipaliwanag ang OVP budget

 35,695 total views

 35,695 total views Mga Kapanalig, nag-trending noong isang linggo sa social media ang panawagang bigyan ng zero budget ang Office of the Vice President. Ito ay matapos ang mainit na pagdinig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa budget ng OVP para sa susunod na taon.  Sa pagdinig, panay ang pag-iwas ni Vice President Sara Duterte sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nang binawi ang palakpakan

 75,275 total views

 75,275 total views Mga Kapanalig, humupa na ang palakpakan ng mga pulitiko sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Dahil dito, nalulungkot si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, isa sa numero unong tagasuporta ng dating pangulo. Sa ilalim ng kanyang pamumuno bilang hepe ng Philippine National Police (o PNP), ipinatupad ng nakaraang administrasyon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalala sa mga mister

 82,829 total views

 82,829 total views Mga Kapanalig, madalas gamitin ang Efeso 5:22-24 para pangatwiranan ang pagpapasailalim ng mga babae sa kanilang asawa. Ganito ang mababasa natin: “Mga babae, pasakop kayo sa sarili ninyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Kristo na siyang ulo ng iglesya… Kung paanong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makatotohanang datos

 78,712 total views

 78,712 total views Mga Kapanalig, tumaas siguro ang kilay ninyo nang marinig ang sinabi ng National Economic and Development Authority (o NEDA) na ang isang Pilipinong may ₱64 para ipambili ng pagkain sa isang araw ay hindi maituturing na food poor. Take note, pang-isang araw na ang ₱64. Ibig sabihin, kung tatlong beses kumakain ang isang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng mga Baybaying Komunidad

 90,259 total views

 90,259 total views Bilang arkipelago, tayo ay napapaligiran ng mga katubigan. Ang ating mga dalampasigan ay hindi lamang nagtataglay ng likas na kagandahan, nagsisilbi ring silang pangunahing kabuhayan ng maraming komunidad. Ang mga baybaying komunidad ay umaasa sa karagatan para sa kanilang ikinabubuhay, mula sa pangingisda, pag-aalaga ng mga yamang-dagat, hanggang sa turismo. Subalit, ang kanilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga Seniors

 94,366 total views

 94,366 total views Ang mga nakakatanda o senior citizens ay isang mahalagang bahagi ng ating lipunan. Sila ay ating mga haligi ng pamilya na nagtaguyod ng mga henerasyon. Hindi matatawaran ang kanilang naging ambag sa sa kasaysayan at pag-unlad ng bansa. Sa kabila ng kanilang kahalagahan, ang mga senior citizens sa Pilipinas ay nahaharap sa iba’t

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sanitasyon

 71,263 total views

 71,263 total views Ang sanitasyon ay isang mahalagang aspeto ng kalusugan ng tao na may direktang epekto sa kalidad ng buhay ng mamamayan at public health. Dito sa ating bayan, ang sanitasyon ay malaking hamon lalo pa’t marami sa ating mga komunidad ay may limitadong access na malinis na tubig at maayos na palikuran. Alam mo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Leptospirosis: problema sa pag-uugali o pagbabaha?

 71,231 total views

 71,231 total views Mga Kapanalig, matapos ang malalakas na ulan at malalang pagbaha dala ng bagyo at habagat noong Hulyo, dumami muli ang kaso ng leptospirosis sa bansa. Sabi ng Department of Health (o DOH) noong nakaraang linggo, mahigit 2,100 na kaso na ang naitala mula sa simula ng taon hanggang noong Agosto 3. Bagamat mas

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top