Publiko muling hinikayat ng Radio Veritas, na makiisa sa Earth Hour 2024 Special na gaganapin sa Sabado

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,379 total reads

Inaanyayahan ng kapanalig na himpilan ang lahat na pakinggan at tunghayan ang programa bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Earth Hour ngayong taon.

Ito ang “Ang Banal na Oras para sa Kalikasan: Earth Hour 2024 Special” na isasagawa ngayong Sabado, March 23 mula alas-otso hanggang alas-10 ng gabi.

Tampok sa programa ang panayam mula sa mga makakalikasang grupo at ang isang oras na pagpapatay ng mga ilaw mula alas-8:30 hanggang alas-9:30 ng gabi.

Kasabay nito ang pagdarasal ng Santo Rosaryo at mga pagninilay mula kina Taytay, Northern Palawan Bishop Broderick Pabillo, Cubao Bishop Honesto Ongtioco, at Borongan, Eastern Samar Bishop Crispin Varquez.

Mapapakinggan ang programa sa DZRV 846 AM at matutunghayan sa DZRV846 Facebook page, Veritas PH sa YouTube, at sa Veritas TV Sky Cable Channel 211.

Ito’y sa pakikipagtulungan ng World Wide Fund for Nature Philippines at ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Una nang inihayag ng WWF-Philippines na pagtutuunan sa pagdiriwang ngayong taon ang pagtugon sa suliranin ng plastic pollution sa bansa.

Katuwang naman ng grupo ang Manila City Government upang manguna sa local celebration ng Earth Hour sa Kartilya ng Katipunan sa Manila City Hall.

Ngayong taon ang ika-16 na beses na pakikibahagi ng Pilipinas sa taunang pagdiriwang bilang patuloy na paninindigan upang pangalagaan ang daigdig.

Taong 2007 nang unang isagawa sa Sydney, Australia ang itinuturing na pinakamalaking pagtitipon para sa kalikasan, at ngayo’y isinasagawa na sa higit 7,000 lungsod at 193 bansa sa buong mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 37,513 total reads

 37,513 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 73,299 total reads

 73,299 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 299,569 total reads

 299,569 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 193,037 total reads

 193,037 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 285,057 total reads

 285,057 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 151,728 total reads

 151,728 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top