Radio Veritas Lenten exhibit sa Fisher Mall, magsisimula bukas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,463 total reads

Inaanyayahan ng Radio Veritas 846 ang mananampalataya sa isasagawang Lenten Exhibit katuwang ang Fisher Mall sa Quezon City.

Ayon kay Renee Jose, ang tagapangasiwa ng Religious Departmen, ito ang pamamaraan ng himpilan upang makilakbay sa kristiyanong pamayanan sa pagninilay lalo na sa pagpapakasakit, pagkamatay at higit sa lahat sa muling pagkabuhay ni Hesus.

“We will join our Kapanaligs on this Paschal Triduum to reflect on the life of Jesus and deepen our faith through this Lenten Exhibit,” pahayag ni Jose sa Radio Veritas.

Tampok sa exhibit ang humigit kumulang 100 imahe ng Panginoong Hesus at Mahal na Birheng Maria na may kaugnayan sa mga Mahal na Araw.

Sinabi ni Jose na ito ay magandang pagkakataon na muling ipaalala sa mananampalataya ang kahalagahan ng pagiging handa ng sarili sa pagpapakasakit, pagkamatay lalo na ang pinakatampok sa pananampalatayang kristiyano na muling Pagkabuhay ni Hesukristo.

Maaring magsagawa ng lenten pilgrimage ang mga dadalaw sa exhibit sa Entertainment Center ng Fisher Mall kung saan mayroong ‘Stations of the Cross.’

Bubuksan ang exhibit sa March 19 sa ikaapat ng hapon na pangungunahan ni Radio Veritas Vice President Fr. Roy Bellen kasama ang mga kinatawan ng establisimiyento at magtatagal ito hanggang March 31, Linggo ng Muling Pagkabuhay.

Bukas sa publiko ang exhibit mula alas 10 ng umaga hanggang alas nuwebe ng gabi kung saan maari ring mag-alay ng panalangin na isasama sa mga misa ng Radio Veritas sa alas sais ng umaga, alas dose ng tanghali, alas sais ng gabi at alas dose ng hatinggabi.

“Pilgrims to the exhibit can write their prayer intentions and become Eucharistic Advocates, which will be included in our daily healing masses,” ani Jose.

Para sa karagdagang detalye makipag-ugnayan kay Jose sa telepono (02) 8925-7931 to 39 local 129, 131, 137 o mag-text sa 0917-631-4589.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 38,326 total reads

 38,326 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 74,076 total reads

 74,076 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 300,346 total reads

 300,346 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 193,814 total reads

 193,814 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 285,785 total reads

 285,785 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top