VeritasPH

The Word, The Truth

Nagbubulag-bulagan, nagbibingi-bingihan

SHARE THE TRUTH

 481 total views

Mga Kapanalig, sa kanyang talumpati sa isang grupo ng mga estudyante ng Oxford University sa United Kingdom, sinabi ng boksingerong senador na si Manny Pacquiao na wala raw extra-judicial killings o EJK sa Pilipinas. Kung may mga namamatay daw bunsod ng war on drugs ng administrasyong Duterte, ipinaliwanag ng senador na nanlabán daw kasi ang mga biktima sa mga awtoridad.

Nilinaw naman ng artistang senador na si Senate President Tito Sotto na mayroon daw EJK sa bansa. Iyon nga lang, hindi daw state-sponsored ang mga ito. Ibig sabihin, hindi raw kagagawan ng estado o ng pamahalaan ang mga pagpatay. Wala raw utos ang pamahalaan na pagpapatayin ang mga drug suspects. Hindi rin daw dapat tawaging “extra-judicial” ang pagkakapatay sa kanila dahil wala raw tayong death penalty, ang pagpatay na may basbas ng estado.

Ito ang hirap kapag ang ating mga lider ay hindi lumalabas sa kanilang de-aircon na mga bahay sa loob ng mga bantay-saradong subdivision. Ito ang hirap kapag ang mga lider ay hindi man lang nakakaapak sa mga lugar na balót ng karahasan, sa mga pamayanang sanay na sa patayan. Kahit pa halos araw-araw na sa balita ang mga pagpatay dahil sa giyerang ito ng administrasyong Duterte, kaya nilang magbulag-bulagan sa dugong dumadanak sa mga lansangan at kabahayan; kaya nilang magbingi-bingihan sa hinagpis ng mga inang nawalan ng anak, ng mga asawang nawalan ng katuwang sa buhay, at ng mga batang nawalan ng magulang.

Sa tala ng pamahalaan, aabot na sa halos 5,000 na ang namatay sa mga operasyong ginawa ng mga pulis sa ilalim ng kampanya ng pamahalaan kontra droga. Noong Agosto lamang, mahibit 400 na drug personalities ang namatay o halos 14 na tao bawat araw. Lahat daw sila, mga nanlabán kaya’t walang nagawa ang mga pulis kundi patayin sila. Hindi kasama ang mga kasong ito sa mga tinatawag ng PNP na homicide cases under investigation, na ayon sa huling bilang ay umabot na ng mahigit 23,000 mula nang maupo si Pangulong Duterte noong Hulyo 2016 hanggang sa kalagitnaan ng kasalukuyang taon. Nakapaloob sa bilang na ito ang mga biktima ng mga vigilante na halos lahat ay may kinalaman sa droga at sinasabing mga pulis din naman ang nasa likod.

Anuman ang tawag natin sa mga kaso ng pagpatay na ito bunsod ng “war on drugs”, malaking kasalanan ang pumatay ng kapwa. Mali ang pagkaitan silang dumaan sa tamang proseso ng batas. Mali ang paggamit ng dahas sa ngalan ng mas ligtas na lipunan.

Ang nakalulungkot, mismong mga lider natin ang nagpapalaganap ng kultura ng pagpatay. Hindi ba’t hinikayat pa ng pangulo ang mga taong patayin nila ang mga kilala nilang adik? Hindi ba’t pinangakuan niya ang mga pulis na iaabswelto niya sila kung makapapatay sila ng mga pinagsususpetsahang drug traffickers at pushers?At hindi ba’t mismong si Pangulong Duterte na ang nagsabing ang tangi niyang kasalanan ay ang mga extra-judicial killings?

Kinikilala sa mga turo ng Simbahan ang lehitimong karapatan ng estado na magpataw ng parusa sa mga gumagawa ng paglabag sa batas nang naaayon sa bigat ng nagawang kasalanan. Ngunit taliwas rito ang walang habas na pagpatay, gawa man ng mga pulis o vigilante, lalo pa kung umuusbong ito sa hindi pagkilala ng mga pinuno natin sa dignidad at karapatan ng lahat ng tao. Walang saysay ang parusang nais lamang magpalaganap ng takot sa mamamayan at magdulot ng pagdurusa sa pamilya ng mga biktima, lalo na ng mga inosente.

Mga Kapanalig, ipagdasal natin hindi lamang ang mga lider nating walang paggalang sa dangal ng tao kundi pati ang mga lider nating nagbubulag-bulagan sa nagpapatuloy na patayan at nagbibingi-bingihan sa panawagan para sa tunay na katarungan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 3,678 total views

 3,678 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 11,663 total views

 11,663 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 19,199 total views

 19,199 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 35,185 total views

 35,185 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 43,229 total views

 43,229 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 3,679 total views

 3,679 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 11,664 total views

 11,664 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 19,200 total views

 19,200 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 35,186 total views

 35,186 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 43,230 total views

 43,230 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 45,386 total views

 45,386 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 43,811 total views

 43,811 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 45,597 total views

 45,597 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 42,522 total views

 42,522 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 56,836 total views

 56,836 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 60,526 total views

 60,526 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 59,129 total views

 59,129 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 69,116 total views

 69,116 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 73,084 total views

 73,084 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 83,971 total views

 83,971 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top