Kabataan, hinimok ni Cardinal Tagle na ipalaganap ang pag-ibig sa kapwa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 559 total reads

Ipinagdiwang ng Tulay ng Kabataan Foundation o ANAK-Tnk ang kanilang ika-20 taong anibersaryo noong ika-3 ng Nobyembre.

Nagtipon sa Ateneo de Manila University, Katipunan, Quezon City ang halos 2,000 mga bata, na kinukupkop ng TNK kasama ang iba’t-ibang children’s foundation para sa pagdiriwang.

Dito, nagdaos ng mga palaro o mini sports fest at dance contest ang Tulay ng kabataan upang maipakita ang galing ng bawat bata sa iba’t-ibang larangan.

Bukod sa pagbibigay saya, layunin din ng mga aktibidad na mapaglapit ang bawat isa at matuto ng pakikipagkapwa at sportsmanship sa iba pang kabataan.

Matapos ang mgapaligsahan, pinangunahan naman ng Kanyang Kabunyian Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle ang banal na misa para sa pagdiriwang ng kanilang anibersaryo.

Sa pagninilay ng Kardinal, hinimok nito ang mga kabataang nasa ilalim ng pangangalaga ng Tulay ng Kabataan Foundation na ipalaganap ang pag-ibig sa kapwa.

Ayon sa Cardinal pag-ibig ang dahilan kung kaya nagkaroon ng panibagong buhay ang mga bata at matatandang inabandona sa lansangan, at dahil dito pagkakataon na ngayon ng mga bata, at kabataan na sila naman ang magbigay ng buhay sa kanilang kapwa sa pamamagitan ng pagmamahal.

“#SavedbyLove… Iniligtas ng pag-ibig, inililigtas tayo sa kamatayan, inililigtas tayo sa kapahamakan, inililigtas tayo sa panganib, ng pag-ibig. Kung saan may pag-ibig may kaligtasan, may buhay… D’yan tayo tunay na nabubuhay at sa pag-ibig din tayo magbibigay buhay. Tayo ay nabubuhay dahil inibig tayo ng Diyos. Patuloy tayong mabubuhay ‘pag tayo ay mag-iibigan at patuloy na mamamayani ang buhay at malalabanan ang pwersa ng kamatayan kung may pag-ibig.” Bahagi ng pahayag ni Cardinal Tagle.

Taong 1998 nang magsimula ang ANAK-Tulay ng Kabataan Foundation sa pangunguna ng isang paring Heswita.

Bukod sa mga batang lansangan mayroon ding mga batang naulila dahil sa extrajudicial killings ang sa kasalukuyang nasa ilalim ng pangangalaga ng foundation.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 73,163 total reads

 73,163 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 121,079 total reads

 121,079 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 168,950 total reads

 168,950 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 272,897 total reads

 272,897 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 355,570 total reads

 355,570 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 42,341 total reads

 42,341 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 35,219 total reads

 35,219 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top