Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Nagsabuhay ng diwa ng kooperatiba, pinarangalan ng CDA

SHARE THE TRUTH

 7,781 total views

Pinarangalan ng Cooperative Development Authority (CDA) ang mga indibidwal, opisyal at mga kawani ng pamahalaan at cooperative groups sa CDA Gawad Parangal 2024.

Inihayag ni CDA chairman Joseph Encabo na ipinakita ng mga awardee ang kahalagahan ng kooperatiba sa lipunan sa pagsusulong ng tunay na diwa ng kooperatibismo sa lipunan.

Pinasasalamatan din ng pinuno ng CDA ang mga awardee sa pagiging mabuting ehemplo at walang pagod na pagsisilbi sa pagpapaunlad sa sektor ng kooperatiba sa Pilipinas.

“Sa lahat po ng mga winner na nabigyan ng recognition sa ating Gawad Parangal, congratulations po, you deserve this recognition because you continue to embrace the real spirit, the genuine spirit of cooperativism and you continue to serve sa sector well, so congratulations po sa lahat ng nanalo at nabigyan ng parangal sa araw ng CDA Gawad Parangal 2024, timely in celebration of the cooperative month,” pahayag ni Encabo sa Radio Veritas.

Sa Gawad Parangal 2024, kinilala ng C-D-A ang mga nagsipagtapos ng pag-aaral sa Polytechnic University of the Philippines sa kursong may kaugnayan sa kooperatiba na sina Catherine Roze Gellido, Kristine Atendido, Zea Aedrielle Bagasbas at Jay Lyka Sison.

Ayon sa C-D-A, napapanahon ang pagkilala sa mga estudyante na pinili ang mga cooperative college course na magpapatuloy sa pangangasiwa at magsusulong sa diwa at kahalagahan ng kooperatiba sa pag-unlad ng mamamayan.

Ang CDA Gawad Parangal ay taunang sa pagkilala at paggagawad ng parangal sa mga estudyante, kooperatiba, opisyal o kawani ng pamahalaan at iba pang indibidwal na nagsasabuhay sa diwa ng kooperatibismo.

Noong taong 2022 at 2023, tinanggap ng himpilan ng Radio Veritas at nang Buhay Kooperatiba Program ang pagkilala mula sa CDA Gawad Parangal dahil sa pagsusulong sa diwa ng kooperatibismo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Move people, not cars

 168,472 total views

 168,472 total views Mga Kapanalig, kasabay ng panahon ng Kapaskuhan ay ang taun-taong Christmas rush na nagdudulot ng napakatinding trapiko. Naranasan ba ninyo ito nitong mga

Read More »

Karapatan ang kalusugan

 185,440 total views

 185,440 total views Mga Kapanalig, tinaasan pa ng bicameral conference committee ang budget na inilaan sa Medical Aid for Indigent and Financially Incapacitated Patients Program (o

Read More »

Kailan maaabot ang kapayapaan sa WPS?

 201,268 total views

 201,268 total views Mga Kapanalig, kahit sa sarili nating karagatan, tila hindi ligtas ang mga mangingisdang Pilipino. Sa pagpasok ng Disyembre, tinarget ng mga barko ng

Read More »

Libreng gamot para sa mental health

 292,118 total views

 292,118 total views Mga Kapanalig, isa sa mga magandang balitang narinig natin ngayong taon ang pagpapalakas ng mga serbisyo para sa mental health.  Inanunsyo noong Hunyo

Read More »

Atapang atao pero atakbo?

 310,284 total views

 310,284 total views Mga Kapanalig, hanggang sa mga oras na isinusulat natin ang editoryal na ito, hindi pa rin nakikita kahit ang anino ni Senador Ronald

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top