DILG, nakiisa sa mapayapa at maayos na UNDAS 2024

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,665 total views

Nakikiisa ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mapayapa at maayos na paggunita ng Undas ngayong taon.

Kasabay ng pag-alala at pag-aalay ng panalangin para sa kapayapaan ng mga yumaong mahal sa buhay, hinihikayat ni DILG Secretary Jonvic Remulla ang publiko na maging maingat laban sa mga mapagsamantalang maaaring samantalahin ang pagdagsa ng mga tao sa mga sementeryo.

“As we commemorate and pray for the souls of our departed loved ones, the DILG urges the public to practice vigilance against criminals and scammers who take advantage of big crowds in cemeteries,” ayon kay Remulla.

Ipinaaalala rin ng kalihim ang pakikipagtulungan ng publiko sa pagsunod sa mga patakaran sa sementeryo, tulad ng pagbabawal sa pag-inom ng alak, pagsusugal, at mga gawaing posibleng magdulot ng kaguluhan.
Inatasan ni Remulla ang mga lokal na pamahalaan na maghanda at tiyakin ang kaligtasan sa mga pampublikong lugar tulad ng mga sementeryo, memorial parks, at simbahan.

“They are also expected to mobilize and deploy traffic enforcers, barangay tanods, Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs), medical personnel, and other force multipliers within the vicinity of the said places,” saad ni Remulla.

Bukod dito, magtatalaga ang Philippine National Police (PNP) ng higit sa 27,000 pulis sa buong bansa upang matiyak at mapanatili ang kapayapaan ngayong Undas.

Inaasahan din ang pakikipagtulungan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa PNP at mga lokal na pamahalaan para sa dagdag na pagtugon sa kaligtasan ng publiko.

Milyong-milyong katao ang inaasahang magtutungo sa iba’t ibang sementeryo sa buong bansa sa araw ng mga banal o All Saints’ Day sa November 1 at araw ng mga yumaong mahal sa buhay o All Souls’ Day sa November 2.
Kabilang sa mga malalaking sementeryo sa bansa, partikular na sa Metro Manila, ang Manila North Cemetery at Manila South Cemetery, kung saan tinatayang aabot sa 1.8 milyong katao ang inaasahang dadalaw sa mga puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Una nang hinimok ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga mananampalataya na gawing huwaran ang mga banal ng simbahang katolika upang makapamuhay ng naaayon sa layunin ng Panginoon sa kabila ng anumang pagsubok sa buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 67,237 total views

 67,237 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 110,845 total views

 110,845 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 193,743 total views

 193,743 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 205,781 total views

 205,781 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top