Panatilihing banal ang paggunita sa Undas, paalala ng Obispo sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,596 total views

Ipinaalala ni Cubao Bishop Emeritus Honesto Ongtioco sa mananampalataya ang kahalagahan na pananatilihing taimtim at banal ng paggunita ng Undas sa Pilipinas.

Ito ang mensahe ng Obispo para sa nalalapit na paggunita sa buong mundo ng All Saints at All Souls Day sa November 01 at 02.

Hinimok ng Obispo ang mamamayan na huwag kalimutang mag-alay ng panalangin para sa yumaong mahal sa buhay, sa mga santo ng simbahan at sa mga hindi na naalalang kaluluwa.

“Isa sa mga pagalala at pagdiriwang na taon-taon ginagawa ng mga Pilipino ay ang Undas, nagpupunta sa mga sementeryo o kung sakaling hindi, sila ay nagtitirik ng kandila at nagdarasal sa simbahan o bahay. Magandang paala-ala ito sa lahat na tayo ay itinakda ng Panginoon mabuhay kapiling niya magpasawalang hanggan, maganda rin kaugalian na ipagdasal ang mga yumao para balang araw sa awa ng Diyos malinis sila at makapiling ang Diyos sa atin tunay na tahanan,” mensaheng ipinadala ni Bishop Ongtioco sa Radio Veritas.

Ikinagalak din ng Obispo na pagkakataon ang Undas upang mapatibay ang pundasyon ng isang pamilyang matagal hindi nagkakasama-sama.

Sinabi ng Obispo na dahil sa okasyon ay nagkakaroon ng pagtitipon ang mga pamilya na hindi nagkikita-kita ng matagal.

Nagalak din si Bishop Ongtioco para sa kapakanan ng mamamayan higit na ang mga manggagawang minsan lamang makapagpahinga sa trabaho.

“Nagkakaroon din ng pagkakataon na uuwi ang mga tao at may pagkakataong makilala ang mga kamag-anak na bibihira nila makita o makausap. Maganda din may break ang mga tao sa kanilang trabaho at maganda ito sa kanilang mental & psychological wellness, nandoon din ang kahalagaan ng panalangin, nagkakaroon ng pagkakataon na manalangin sama-sama ang mga tao at magkamag-anak,” pahayag ni Bishop Ongtioco.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 43,900 total views

 43,900 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 39,769 total views

 39,769 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 75,971 total views

 75,971 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 84,765 total views

 84,765 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 110,353 total views

 110,353 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top