Exorcist Priests, tampok sa UNDAS special programing ng Radio Veritas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,331 total views

Muling inaanyayahan ng Radyo Veritas 846 ang mga kapanalig na pakinggan at subaybayan ang mga programa ng himpilan para sa paggunita ng Undas ngayong taon.

Ito ang Dalangin at Alaala 2024: Kapanalig ng Yumaong Banal, na naglalayong gunitain ang mga banal ng Simbahang Katolika at mag-alay ng panalangin para sa kaluluwa ng mga yumaong mahal sa buhay.

Matutunghayan dito ang mga pagninilay at katesismo ng mga exorcist priest mula sa iba’t ibang diyosesis sa buong bansa.

Sa November 1, ibabahagi ng mga exorcist priest mula sa Archdiocese of Manila—Fr. Jose Francisco “Jocis” Syquia, ang chief exorcist at director ng Office of Exorcism, at Dominican Father Winston Cabading—ang paksang “Spiritual Warfare and Protection” sa ganap na alas-7 hanggang alas-9 ng umaga.

Susundan ito ng pagpapaliwanag ni Pasig exorcist priest, Fr. Daniel Estacio, hinggil sa “Dalawang Araw na Paggunita sa mga Yumao: Mga Paniniwala at Kahalagahan ng Panalangin” mula alas-9 hanggang alas-10 ng umaga.

Alas-12 ng tanghali naman, pangungunahan ni Radio Veritas president, Fr. Anton CT. Pascual, ang Banal na Misa sa Loyola Memorial Park sa Marikina City.

Pagkatapos nito, ibabahagi ni Fr. Roberto “Bobby” dela Cruz, minister ng Ministry on Visions sa ilalim ng Commission on Extraordinary Phenomena ng Archdiocese of Manila, ang paksang “Forgiveness and Healing” mula ala-una hanggang alas-2 ng hapon.

Sa November 2, mula alas-10 hanggang alas-11 ng umaga, magbibigay ng pagninilay si Diocese of Cabanatuan exorcist priest, Fr. Jestoni Macapas tungkol sa konsepto ng “Ghost Hunting”.

Samantala, mula alas-11 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali, tatalakayin naman ni Diocese of Antipolo exorcist priest, Fr. Felipe Pedraja ang paksang “House Infestation and Wandering Soul”.

Mapapakinggan ang special program ng Veritas 846 sa DZRV 846 kHz AM at mapapanood sa DZRV846 facebook page, Veritas PH sa YouTube, at Veritas TV Sky Cable Channel 211.

Maaari ring mag-alay ng panalangin para sa mga yumaong mahal sa buhay na isasama sa Healing Mass sa Veritas sa alas-6 ng umaga, alas-12 ng tanghali, alas-6 ng gabi, at alas-12 ng hatinggabi.

Makipag-ugnayan lamang sa Veritas 846 Religious Department sa (02) 8925-7931 to 39 locals 129, 131, at 137 o mag-text sa 0917-631-4589.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 43,752 total views

 43,752 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 39,621 total views

 39,621 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 75,823 total views

 75,823 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 84,617 total views

 84,617 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 110,209 total views

 110,209 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top