901 total views
Ito ang mensahe ni Radio Veritas 846 President Father Anton CT Pascual sa resulta ng Veritas Truth Survey kung saan marami ang sang-ayon sa common law partnership o live in bago ang kasal.
Ayon sa survey 45 percent ang naniniwalang hindi na kailangan ang kasal bago ang pagsasama habang 40 percent ang naniniwalang dapat munang tanggapin ang sakramento ng pag-iisang dibdib.
“As a wake up call to this social reality on the respondents’ perception towards common law partnership, we should evangelize our Catholic faithful on the transcendental value of marriage which places God in the union between husband and wife. A triangular image of marriage which places God at the center of two loving people,” pahayag ni Fr. Pascual.
Ginawa ang survey sa pagitan ng January 1 to 31, 2022 gamit ang stratified sample sa 1, 200 respondents na may +/- 3% margin of error.
Ginawa ito sa pamamagitan ng text-based at online data gathering sa tanong na ‘opinion on receiving the sacrament of marriage first before living together (common law partnership).
Layunin ng survey na matulungan ang simbahan na mapabuti ang paglilingkod sa mananampalataya gayundin ang pagpapaigting sa ebanghelisasyon.
Ibinahagi naman ni Bro. Clifford Sorita, head ng VTS na karamihan sa mga nasa edad 40 – 60 ang naniniwala sa kasal bago ang pagsasama o katumbas sa 48%; sa edad 13 – 20, 51% ang naniniwala sa common law partnership habang 58% naman sa Young Adults o edad 21 – 39 taong gulang.