Palalimin ang pananampalataya sa Panginoon, apela ni Cardinal Advincula sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,031 total reads

Hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula ang mananampalataya lalo na sa Sinait, Ilocos Sur na palalimin ang ugnayan sa Panginoon.

Ito ang bahagi ng pagninilay ng Cardinal sa pagtatalaga ng Basilica Menor de San Nicolas Tolentino nitong February 16.

Ayon kay Cardinal Advincula, nawa’y magsilbing inspirasyon ang Basilica sa maigting na debosyon at pagiging misyonero ng mamamayan.

“Let this Basilica continue to be a place of solidarity and synodality, where people gather in faith and journey together in mission. We come to this basilica as pilgrims who strive to be close to God and we go forth from this basilica as missionaries who foster dialogue, reconciliation and nearness with others,” ayon kay Cardinal Advincula.

Paalala ng Arsobispo sa mananampalataya sa lugar na kaakibat ng pagiging basilica ang misyong ipalaganap at ibahagi sa komunidad ang diwa ni Kristo.

Binigyang-diin ni Cardinal Advincula na ang pagkatalagang basilica ng simbahan na dambana rin ng Milagrosong Santo Cristo ay isang buhay na saksi ng pananampalatayang lumago 500 taon na ang nakalilipas.

Matatandaang hinirang ni Pope Francis ang San Nicolas Tolentino Church ng Sinait bilang minor basilica noong Abril 2021 kasabay ng pagdiriwang sa ikalimang sentenaryo ng Kristiyanismo sa bansa.

Sa mensahe naman ni Nueva Segovia Archbishop Marlo Peralta, pinasalamatan nito ang mga dumalo sa mahalagang pagtitipon kasabay ang pagtiyak na lahat ng dumudulog sa Basilica ay nakatatanggap ng mga biyaya mula sa Panginoon ayon na rin sa pagbabahagi ng mga deboto ng Santo Cristo.

Sinabi ng Arsobispo na ang bagong basilica ay maging sentro ng pananalangin at kawanggawa lalo na sa mga higit nangangailangan sa lipunan.

“This Basilica will serve as a center of prayer; Second as a center of charity where it will launch programs for the poor so that those who need help can be helped because charity is the fruit of prayer,” ayon kay Archbishop Peralta.

Pinangunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown ang rito ng pagtatalaga habang si Cardinal Advincula naman ang homilist.

Dumalo rin sa pagtitipon si Cotabato Archbishop Emeritus Cardinal Orlando Quevedo at ang Northern Luzon Bishops.

Ito na ang ikatlong basilica ng Ilocos Region habang ika-19 naman sa buong Pilipinas.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 11,652 total reads

 11,652 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 40,979 total reads

 40,979 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 81,538 total reads

 81,538 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 107,256 total reads

 107,256 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 155,523 total reads

 155,523 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 175,816 total reads

 175,816 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top