Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,411 total reads

Kapanalig, ang deception o panlilinlang ay karaniwang kubli—hindi mo agad mahahalata na ikaw ay naloko na o namanipula. Ang gaslighting ay isa sa mga pangunahing paraan ngayon ng pagmamanipula ng  mga mamamayan.  Ngayong panahon na ng kampanya, kailangang tayo ay “sharp,” o alerto sa maraming panahon na tayo ay gina-gaslight na o nililinlang na ng mga kandidato. Alam mo ba kung ano ang gaslighting?

Ang gaslighting ay ang pagbagbag, pagsira, pagbibigay duda sa reyalidad at katotohanan sa pamamagitan ng pagtatanggi at pagkakait ng katotohanan o facts,  pagsisinungaling, pagsasawalang-bahala o pagmamaliit ng ating damdamin, at pagtatanggi ng katotohan kahit sa harap ng gatambak na ebidensya. Kapanalig, kapag ikaw ay na-gaslight, malilito ka, hirap mong makikita kung ano ang katotohanan, at pagdududahan mo ang sarili mong katinuan pati ang halaga ng iyong boses at pagkatao. Ang objective ng gaslighting ay kapangyarihan—power over you. Hangga’t ikaw ay naga-gaslight, naitutulak ka na maniwala sa o gumawa ng mga bagay na mali at taliwas sa iyong tunay na kalooban. Ang gaslighting ay psychological manipulation, at apektado nito ang iyong matinong pagpapasya.

Isang halimbawa: Kahit na may mga witnesses, kahit na may di mapag-kakailang ebidensiya, at kahit na may court conviction pa, ang isang convict ay patuloy na nagsasabi na wala siyang kasalanan, na matagal ng wala talagang conviction, sabay binabaling ang iyong atensyon sa iba namang isyu, na kadalasan,  ikaw pa ang lalabas na nagkulang.  Isa pang halimabawa: Ang kapitbahay mo na nagsasabi na gagalangin niya ang boundary o hangganan ng property mo, habang pinagbabawalan kang kumuha ng bunga sa mga puno na nasa teritoryo mo.

Naku kapanalig,  ang gaslighting ngayon sa ating pulitika ay digital na, kaya dapat tayo ay mag-ingat. May isang pag-aaral kung saan kumpiyansa ang higit pa sa kalahati ng respondents na kayang kaya nila manghuli ng fake news, pero lumabas sa mas malalim pa na pagsusuri na average lamang ang kanilang kakayahan ukol dito. 63% ang nagsabi na sa tingin nila ay kaya nila mag-spot o kumilala ng fake news, pero pagdating sa fake news quiz, 52.5% ang nakakuha ng 6.9 na score lamang sa isang 10 point fake news quiz. Average score lamang ito, kapanalig, na ibig sabihan, average lang din ang kanilang kakayahan sa pagkilala sa fake news.

Kapanalig, katungkulan natin para sa ating sarili, pamilya, komunidad, at bayan na maging mas matalino at matalas pagdating sa ating mga pagpapasya sa ating buhay. Ang ating mga maling choices ay matindi ang mga kapalit – tingnan na lamang natin ang dami ng nasayang na buhay dahil sa drug war na hanggang ngayon, hindi pa rin nagtatagumpay.

Kapanalig, sabi sa John 8:32, the truth will set you free. Ang katagang ito ay akmang akma sa panahon ng kampanya ngayon. Tanggalin natin ang mga balakid sa katotohanan, pumanig tayo sa katotohan, huwag tayong bibitiw sa katotohan.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 78,629 total reads

 78,629 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 115,579 total reads

 115,579 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 149,708 total reads

 149,708 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 206,116 total reads

 206,116 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

LEADERSHIP PROBLEM

 78,630 total reads

 78,630 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 115,580 total reads

 115,580 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 149,709 total reads

 149,709 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 206,117 total reads

 206,117 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »
Scroll to Top