Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ihalal ang mga kandidatong tunay ang hangaring maglingkod, panawagan ng GOMBURZA sa botante

SHARE THE TRUTH

 811 total views

Nanawagan si running priest at GomBurZa lead convenor Father Robert Reyes sa mga botante na piliin ang mga kandidatong may tunay na hangaring maglingkod sa bayan.

Ito ang mensahe ng pari kasunod ng isinagawang penitential walk ng mga pari ng Metro Manila sa paggunita ng ika – 150 anibersaryo nina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos at Padre Jacinto Zamora o ang GomBurZa Fathers.

Ayon sa pari, maipakikita ng mamamayan ang pagmamahal sa bayan sa paghalal ng mga kandidatong karapat-dapat iluklok sa posisyon.

“Dapat makita sa boto ninyo ang pagmamahal sa bayan, hindi na pwede ngayon ang bumoto ng tahimik kailangang manindigan sa etikal, moralidad, katotohanan at katarungan kaya piliin ang kandidatong magmamahal sa bayan,” pahayag ni Fr. Reyes sa panayam ng Radio Veritas.

Iginiit ng pari na ang diwa ng GomBurZa ay integral faith kung saan kaakibat ng pagmamahal sa Diyos ay ang pagmamalasakit sa bayan lalo na sa mamamamayan

Hinimok din ni Fr. Reyes ang mahigit 60-milyong botante na suriin ang kasaysayan kabilang na ang pamamahala matapos ang ikalawang digmaang daigdig.

Batid ng pari ang kaakibat na panganib sa muling pagpapapili ni Ferdinand Marcos Jr. kung saan nabalot sa labis na katiwalian at karahasan ang paninilbihan ni dating pangulong Ferdinand Marcos.

“Kung iboto natin yan [Bongbong Marcos] ang boto natin ay pumipikit at tinatalikuran ang isang mahalagang yugto, madilim at mapait ngunit totoong yugto ng pananamanatala ng mga Marcos sa kapangyarihan,” ani Fr. Reyes.

Layunin ng penitential walk na inisyatibo ng Manila clergy ay upang ipanalangin ang nalalapit na 2022 National and Local Elections at isabuhay ang pagiging kristiyano sa pagpili ng mga susunod na lider ng bansa.

“May we ask our fellow Filipino to be ‘maka-Diyos kaya makabayan’ to discern their choice well and prefer leaders embody and promote the values of the Kingdom of God,” bahagi ng pahayag ng Manila clergy.

Taong 1872 nang paslangin sa pamamagitan ng ‘garrote’ ang tatlong diocesan priest ng Manila makaraang paratangan ng pagsisinungaling ng gobyernong kolonyal ng mga Español.

Pinangunahan ni Cardinal Jose Advincula ang banal na misa sa Manila Cathedral na sinundan ng penitential walk patungo sa GomBurZa memorial marker sa Luneta at nagtapos sa panalangin sa Nuestra Señora de Guia sa Ermita.

Bukod sa mga pari, religious men and women ng Archdiocese of Manila dumalo rin sa pagtitipon si Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr at mga pari sa mga diyosesis ng Metro Manila at karatig lalawigan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 15,831 total views

 15,831 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 31,919 total views

 31,919 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 69,643 total views

 69,643 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 80,594 total views

 80,594 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 24,444 total views

 24,444 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top