Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Nasalaulang party-list system

SHARE THE TRUTH

 183 total views

Mga Kapanalig, sa pagkakapanalo nitong nakaraang halalan ng mga party-list groups na wala namang malinaw na sektor na kinakatawan, walang matibay na track record sa adbokasiya, o kaya naman ay kinakatawan ng mga taong may kuwestyunableng kwalipikasyon, tunay ngang nasalaula na ang party-list system sa bansa.

Nang isulong noong 1995 ang Party-list System Act o Republic Act No. 7941, ang pangunahing layunin ng mga nagtulak nito ay mabigyan ng boses ang mga itinuturing na marginalized at  underrepresented sectors sa bansa, mga sektor na hindi nabibigyang-tinig ng mga inihahalal na congressman o congresswomen sa kani-kanilang distrito. Kabilang sa mga sektor na dapat kinakatawan sa party-list system ay ang mga manggagawa, magsasaka, maralitang tagalungsod, katutubo, mga matatanda, may kapansanan, kababaihan, kabataan, mga beterano, OFWs, at mga propesyunal.

Sa mga nanalong party-list groups nitong nakaraang eleksyon, ilan sa kanila ang tunay na kumakatawan sa mga marginalized at underrepresented na sektor sa bansa?

Sinasabing nanalo ang isang party-list group dahil sa madrama nitong patalastas kung saan kasama ang isang dating broadcaster na nasangkot, kasama ang kanyang mga kapatid, sa umano’y katiwalian noong nasa gobyerno pa ang isa nilang kapatid. Nariyan din ang mga party-list groups na katunog ng isang sikat na teleserye at inendorso pa ng mismong artistang gumaganap sa nasabing palabas. Pati mga nagnenegosyo ng LPG at electric cooperatives, wagi rin sa party-list kahit pa karamihan sa kanila ay hindi naman mahihirap. Naging daan din ang party-list system upang maluklok sa puwesto ang mga political dynasties; bumuo sila ng party-list groups na kumakatawan umano sa mga sektor o mga magkakarehiyon katulad ng mga Bikolano, Waray, at Bisaya na hindi naman maituturing na mga sektor. Sapat din ang botong nakuha ng mga grupong binubuo ng mga masugid na tagasuporta ni Pangulong Duterte upang makakuha ng puwesto sa Mababang Kapulungan.

Sadyang madiskarte ang mga ganid sa kapangyarihan upang baluktutin nang mapakinabangan ang isang dapat sana ay magandang sistemang magbibigay ng boses sa mga nasa laylayan. At batay sa kinalabasan ng eleksyon, duda tayo kung talaga nga bang nauunawaan ng mga botante kung para saan ang party-list system. Sa pagkakapanalo ng mga grupong malinaw na hindi ang interes ng mga sektor ang isinusulong kundi ang interes ng kanilang pamilya o negosyo, sinayang nating mga botante ang pagkakataong patatagin ang ating lipunan sa pamamagitan ng pagbibigay ng boses sa mga hindi pinakikinggan, ng tinig sa mga isinasantabi.

Katulad ng sinasabi sa mga panlipunang turo ng Simbahan o Catholic social teaching, ang paglahok sa pagbubuo ng isang pamayanan—at isang lipunan—ay isa sa mga pamamaraan upang makaambag tayo sa pagtatanggol sa dignidad ng tao, sa pagtataguyod sa katotohanan at kalayaan, at sa pagsusulong ng katarungan at pag-ibig. Kaakibat nito ang pagtiyak na ang mga balangkas ng ating lipunan—kasama ang pulitika at pamahalaan—ay gumagana para sa kabutihang panlahat o common good.

Kung ang ating pakikilahok sa pagtatatag ng ating pamayanan at lipunan (sa pamamagitan, halimbawa, ng pagboto sa halalan) ay hindi nakatuon sa layuning makikinabang ang lahat sa kaunlaran at walang naiiwan sa laylayan, tumutungo tayo sa maling direksyon at ipinapahamak natin ang isa’t isa.  “Participation is a duty to be fulfilled consciously by all, with responsibility and with a view to the common good.” Ang pakikilahok sa lipunan ay isang tungkuling tinutupad natin nang may responsibilidad at may pagtanaw sa kabutihan ng lahat.

Kaya mga Kapanalig, dahil nariyan na at nanalo ang mga party-list groups na may kuwestyonableng motibo, ang magagawa natin ngayon ay bantayan ang kanilang mga isusulong na mga batas kung tunay nga bang makabubuti ang mga ito sa mga sektor na dapat binibigyang-kapangyarihan ng nasalaula nang party-list system.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 7,064 total views

 7,064 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 14,545 total views

 14,545 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 27,685 total views

 27,685 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 33,658 total views

 33,658 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 39,412 total views

 39,412 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 7,065 total views

 7,065 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 14,546 total views

 14,546 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 27,686 total views

 27,686 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 33,659 total views

 33,659 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 39,413 total views

 39,413 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 40,572 total views

 40,572 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 41,656 total views

 41,656 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 37,037 total views

 37,037 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 49,041 total views

 49,041 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 57,083 total views

 57,083 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 48,640 total views

 48,640 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 47,065 total views

 47,065 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 48,851 total views

 48,851 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 45,776 total views

 45,776 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 60,090 total views

 60,090 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top