Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Sambayanang Filipino, hinimok na manindigan laban sa same sex marriage.

SHARE THE TRUTH

 496 total views

Hinikayat ng opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang mamamayan na huwag ipaubaya sa mga mambabatas ang pagtutol sa same sex marriage.

Ayon kay Fr. Jerome Secillano, Executive Secretary ng CBCP-Permanent Committee on Public Affairs, dapat na mag-ingay ang mga karaniwang mamamayan at ipahayag ang kanilang pagtutol.

Iginiit ng Pari na hindi maaring gamiting batayan ang ginagawang on-line survey sa social media ng Kongreso sa tunay na saloobin ng mayorya ng mga Filipino.

“Palagay ko meron pa ring mga kongresista na maaring hindi pa naman talaga bukas sa ganiyang uri ng union. Kaya ang mga Filipino naman palagay naroon pa rin ang pananaw sa tradisyunal na marriage ay kinakailangan din ay magvoice-out ng kanilang oposisyon tungkol ditto. As early as now kinakailangan na ang mga Filipino mag-ingay na rin para ma-derail kung ano man ang plano ng house of representatives,” ayon kay Fr. Secillano.

Naniniwala din si Fr. Secillano na mahalagang mapakinggan ang tunay na hinaing ng publiko lalu na sa panukalang hindi sang-ayon sa pananampalataya maging sa kultura ng mga Filipino.

“Palagay ko yung survey naman na ‘yan. Hindi naman yan pagga-gauge ng katotohanan, ibig ko sabihin yung sentimyento lang ng ilan. At hindi naman iyon reflection ng buong sentimyento ng mga Filipino,” ayon kay Fr. Secillano sa panayam ng Radio Veritas.

Sa survey ng Social Weather Station (SWS) noong 2018, bagamat LGBT friendly ang bansa, 61 porsyento sa higit isanlibong respondents ang tutol sa pagsasabatas ng same sex marriage.

Ayon naman sa Marriage Encounter Foundation of the Philippines (MEFP), hindi dapat manahimik ang mananampalataya kundi dapat ay kumilos para tutulan na maisabatas ang mga death bills tulad ng same sex marriage na maglalagay sa panganib sa katatagan ng pamilyang Filipino.

Read: Marriage Encounter Foundation, kikilos laban sa same sex marriages

Pagsusulong ng death bills

Naniniwala rin si Fr. Secillano, na magiging hamon sa simbahan at grupong hindi sang-ayon sa same-sex marriage, divorce at death penalty ang kasalukuyang kongreso lalu’t inaasahan ang muling paghahain ng mga panukala.

“Mahirap kasi kung halimbawa ang labanan ngayon ay tyranny of numbers-nandiyan lang sa kongreso both houses, sa lower house at upper house ang senate at malamang sa malamang sa ito ay isang napakalaking challenge sa simbahan unang una at sa iba pang sektor na hindi naniniwala na ang mga batas na ito ay magiging epektibo,” ayon sa pari.

Inihayag ni Father Secillano na ngayon pa lamang habang hindi pa nagsisimula ang 18th Congress ay dapat nang simulan ang pagbibigay ng paliwanag sa publiko hinggil sa epekto at implikasyon ng mga panukalang tinutulan ng simbahan.

“Kinakailangan na ipakita ng mga Filipino ang kanilang pag-oppose tungkol dito at hindi lang dapat ang simbahan ang maririnig ang boses kundi ang ordinaryong mamamayan ipakita din nila ang kanilang pag-ayaw.” pahayag ng pari.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 2,540 total views

 2,540 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 8,513 total views

 8,513 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 14,268 total views

 14,268 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 21,531 total views

 21,531 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 29,516 total views

 29,516 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Marian Pulgo

Pagpapabuti ng kalagayan ng guro, mag-aaral dapat tutukan ni DepEd Sec. Angara

 6,887 total views

 6,887 total views Nais ng grupo ng mga guro na unahing tutukan ng bagong talagang kalihim ng Department of Education ang kalagayang pangkabuhayan ng mga guro sa buong bansa. Ayon kay Teachers Dignity Coalition, nawa ay bigyang tuon ni incoming DepEd Secretary Juan Edgardo Angara ang umento sa sahod at benepisyo ng mga guro. Sinabi pa

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Education sector, umaasa sa pagbabagong ipapatupad ni Angara sa DepEd

 7,127 total views

 7,127 total views Umaasa ang education sector na magkakaroon ng mga pagbabago sa pamamahala ng Department of Education sa pagkakatalaga ng bagong kalihim ng kagawaran. Ayon sa panayam ng Veritas Pilipinas kay Dra. Jennie Jocson-Director, Research Institute for Teacher Quality, bagama’t hindi mula sa hanay ng mga guro si in-coming DepEd Secretary Juan Edgardo Angara ay

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Dating pangulong Duterte, dahilan ng pamamayagpag ng POGO sa Pilipinas

 12,934 total views

 12,934 total views Isinisi ni Senator Risa Hontiveros ang pamamayagpag ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Pilipinas dahil kay dating Pangulong Rodrigo Duterte. Sa panayam ng programang Veritas Pilipinas ng Radyo Veritas, sinabi ni Hontiveros, chairman ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, sa pamamagitan ng defacto policy ni Duterte at

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

“Marriage is not the problem, it is the hardness of our hearts”

 17,094 total views

 17,094 total views Patuloy na naninindigan ang simbahang Katolika sa pagtataguyod at pagpapatatag ng sakramento ng kasal at pagtutol sa diborsyo. Ayon Fr. Roy Bellen, Vice President for Operations ng Radyo Veritas at kura paroko ng National Shrine of the Sacred Heart, ang pagtutol sa diborsyo ng simbahan ay nakabatay sa kautusan ni Hesus na siyang

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Bantay Bigas nanawagan sa mamamayan na manindigan laban sa ChaCha

 13,215 total views

 13,215 total views Nananawagan ang consumer group sa publiko na makiisa sa panawagan para tutulan ang isinusulong na Charter Change. Ayon kay Cathy Estabillo, tagapagsalita ng Bantay Bigas wala nang maasahan ang mamamayan sakaling pagtibayin ang reporma sa 1987 Constitution na pagpapahintulot ng 100 porsiyentong pag-aari ng mga dayuhan lalo na sa mga lupain at likas

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Gentleman’s agreement ng dating pangulong Duterte sa China, iimbestigahan ng Kamara

 13,389 total views

 13,389 total views Dapat mapanagot ang mga nasa likod ng sinasabing “gentleman’s agreement” sa pagitan ng China at Pilipinas sa pinagtatalunang teritoryo na West Philippine Sea (WPS). Ito ay kaugnay na rin sa patuloy na pagtaas ng tensyon sa pinagtatalunang teritoryo at ang pinakabagong banta ng China na huhulihin ang mga ‘tresspasser’ sa WPS. Ayon kay

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

“EDSA is a miracle.”

 44,412 total views

 44,412 total views Ganito isinalarawan ni Sr. Asunsion “Cho” Borromeo, FFM ang mga pangyayaring sa naganap na EDSA People Power Revolution 38-taon na ang nakakalipas. Si Sr. Borromeo ay kabilang sa mga madre na unang nagtungo at nanatili sa EDSA kasama ang iba pang mga pari at mga nagkikilos protesta. Buong-buo pa rin sa alalaala ng

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Mindanao secession, labag sa 1987 constitution

 35,873 total views

 35,873 total views Taliwas sa sinasaad ng Saligang Batas ang panawagang paghihiwalay ng Mindanao sa Pilipinas. Ito ang paalala ni 1-Rider Partylist Representative Rodge Gutierrez kaugnay sa isinusulong nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Davao de Norte Rep. Pantaleon Alvarez, lalo’t wala ring dahilan para humihiwalay ang Mindanao bilang bahagi ng Pilipinas. “If we allow our

Read More »
Economics
Marian Pulgo

Pag-alis ng senior citizen booklet, tatalakayin sa Mababang Kapulungan ng Kongreso

 39,586 total views

 39,586 total views Inaasahang sa mga susunod na araw ay tatalakayin na sa Mababang Kapulungan upang tanggalin ang ‘senior citizen booklet’ bilang requirement para makakuha ng diskwento ang mga nakatatanda sa kanilang pamimili. Ayon kay Deputy Majority Leader at ACT-CIS Partylist Representative Tulfo, ipinag-utos na ng liderato ng Kamara ang pagbuo ng Technical Working Group upang

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

1987 constitution, hindi maaring rebisahin sa pamamagitan ng People’s Initiative

 46,092 total views

 46,092 total views Nilinaw ng isang eksperto na hindi maaring rebisahin ang 1987 Philippine Constitution sa pamamagitan ng People’s Initiative. Ito ang binigyang-diin ni law professor Attorney Jose Manuel Diokno kaugnay sa mga ulat na pangangalap ng pirma sa ilang lugar sa bansa upang magpatupad ng mga pagbabago sa Saligang Batas. Sa panayam ng programang Veritas

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Iwaksi ang poot at paghihiganti, panawagan ng dating pangulo ng CBCP

 40,309 total views

 40,309 total views Hinimok ng dating pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang publiko na manalangin at iwaksi ang poot at paghihiganti kasunod ng naganap na pagpapasabog sa Mindanao. Ayon kay Davao Archbishop Romulo Valles, bilang mga mananampalataya ay ating hingin sa Panginoon ang katatagan ng pananampalataya sa kabila ng mga kinakaharap na pagsubok.

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

“Why only now?”-Bishop David

 44,069 total views

 44,069 total views Nagpapasalamat si Kalookan Bishop Pablo Virgilio David sa paglaya ni dating Senator Leila De Lima. Ayon kay Bishop David na siya ring pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) isa itong magandang balita lalo’t matagal nang nakakulong ang dating mambabatas sa kabila ng pagbawi ng ilang testigo sa kanilang testimonya laban

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Sa pagsamantalang kalayaan ni De Lima: ‘The injustice is lessen’- Bishop Bacani

 42,187 total views

 42,187 total views Umaasa ang obispo ng simbahan na sa kabila ng mahabang panahon na pagkakapiit dahil sa maling paratang ay makakamit rin ni dating Senator Leila de Lima ang katarungan. Ito ayon kay Novaliches Bishop-emeritus Teodoro Bacani Jr. kaugnay na rin sa pagpayag ng hukuman na makapagpiyansa si De Lima para sa kaniyang pansamantalang kalayaan.

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Sa paglaya ni dating Senator Leila de Lima matapos ang pitong taon; Ilang mambabatas, tiniyak ang patuloy na pagsusulong ng ‘human rights at rule of law

 39,771 total views

 39,771 total views Bagama’t umabot ng higit sa dalawang libong araw na pagkakakulong ni dating Senator Leila de Lima, kumpiyansa ang ilang mambabatas sa pagsisimula ng pagkamit ng katarungan mula sa maling paratang ng dating administrasyong Duterte. Ito ayon kina Albay 1st District Representative Edcel Lagman, Kabataan Partylist Representative Raoul Manuel at House Deputy Minority Leader,

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Realignment ng intelligence fund, makakatulong sa operational capability ng security agencies sa WPS

 34,181 total views

 34,181 total views Naniniwala ang mga mambabatas ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na malaki ang maitutulong na mailipat ang binawing confidential funds na nakapaloob sa 2024 P5.768-trilyong General Appropriations Bill (GAB) sa kakayahan ng ‘security agencies’ na maipagtanggol at pangalagaan ang interes ng bansa sa West Philippine Sea. Ito ang inihayag ni Philippine Coast Guard (PCG)

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top