Pagiging rubber stamp ng Senado sa Malakanyang, pinangangambahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 482 total reads

Nagpahayag ng pangamba ang ilang grupo ng mga laiko sa magiging paninindigan ng mga nanalong Senador sa iba’t-ibang usaping panlipunan.

Ayon kay Prof. Boni Macaranas – Pangulo ng Kilos Laiko, karamihan sa mga nanalong Senador ay mayroong kaduda-dudang paninindigan sa mga usaping kinahaharap ng mga mamamayan.

Inihayag ni Macaranas na karamihan sa mga nanalong Senador ay mga kaalyado ng administrasyong Duterte na pabor sa marahas na implementasyon ng kampanya laban sa illegal na droga at muling pagsasabatas ng death penalty.

Nangangamba ang grupo ni Macaranas sa pagiging rubber stamp ng mga nanalong Senador kay pangulong Rodrigo Duterte at kawalan ng paninindigan sa mga usaping tunay na makakaapekto sa pamumuhay ng mga Filipino.

“Sa behavior nila kahit nung umpisa pa sa campaign period sila ay sunod-sunuran kay Duterte at kung meron na ginwa ng gobyerno sila ay tahimik na tahimik so kitang-kita sa behavior nila na we doubt whether they will be independent, of course we hope sila ay maging indipendente but it is very questionable that they will do so.” pahayag ni Macaranas sa panayam sa Radyo Veritas.

Naunang nanawagan ang Kilos Laiko sa mamamayan na manindigan sa tama.

Iginiit ni Macaranas na kinakailangang magkaisa ang mamamayan sa pananalangin at pakikibahagi sa usaping panlipunan sa kabila ng pagkakaiba-iba ng paniniwala at pananampalataya.

“Mga Kristyano, mga Katoliko, mga Evangeliko, mga Protestante sana po buksan nila ang isip nila na ang kalaban natin ay mga kagagawan ng mga demonyo so we hope they will pray and join us in joing politics dahil ito nga ang sinabi ni Pope Francis “politics is the highest form of charity because it promotes the common good.” panawagan ni Macaranas

Nasasaad naman sa panlipunang katuruan ng Simbahan Katolika na ang isang mabuting lider ay nagpapaalipin, nagpapakumbaba at tunay na naglilingkod sa taumbayan at sa kanyang mga nasasakupan ng walang halong sariling interes sa kanyang panunungkulan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 46,646 total reads

 46,646 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 133,149 total reads

 133,149 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 176,186 total reads

 176,186 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 225,944 total reads

 225,944 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 385,089 total reads

 385,089 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top