Sitwasyon ng IDP, tatalakayin ng Simbahan sa Rome

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 347 total views

Inanayayahan si Marawi Bishop Edwin Dela Peña sa isang pagtitipon sa Roma upang talakayin ang sitwasyon ng mga residente sa lugar bilang mga internally displaced person.

Naunawaan ni Bishop Dela Peña ang pagiging kinatawan sa nasabing pagpupulong sapagkat mismong sarili niya ang nakaranas maging IDP at kaisa sa mga residente ng Marawi.

“I can understand nilagay yung pangalan ko because I myslef is IDP (Internally Displaced Person) our Church is internally displaced,” pahayag ni Bishop Dela Peña sa Radio Veritas.

Magugunitang ika – 23 ng Mayo 2017 nang sumiklab ang kaguluhan sa Marawi City makaraang i-hostage ang mga mananampalataya sa St. Mary’s Cathedral habang nagno-novena para sa kanilang kapistahan.

Kasamang dinukot si Rev. Fr. Teresito Suganob ang Vicar General ng Prelatura ng Marawi.

Tumagal nang limang buwan ang digmaan sa pagitan ng Maute terrorist group at ng Sandatahang lakas ng Pilipinas sanhi ng pagkasawi ng higit isanglibong indibidwal habang halos kalahating milyon ang nagsilikas at itinuturing na Internally Displaced Person.

Iginiit ng Obispo na maging ang Simbahang Katolika ay maituturing na kabilang sa IDP sapagkat hanggang sa kasalukuyan ay nanatili itong wasak at hindi pa nasimulang makumpuni batay na rin sa abiso ng pamahalaan na huwag pumasok sa ground zero.

Pansamantalang isinasagawa ang mga Banal na Misa sa mga tent na kasalukuyang tinitirhan ng mga residenteng Kristiyano dalawang taon na ang nakalipas.

Ayon kay Bishop Dela Peña, gaganapin ang konsultasyon para sa mga IDP sa Roma sa ika -7 hanggang ika – 9 ng Hulyo, isang buwan matapos ang ‘Ad limina visit’ ng mga Obispo ng Pilipinas sa Santo Papa.

Ibinahagi pa ni Bishop Dela Peña na mas inaalala nito ang kalagayan ng mga residenteng Muslim na dismayado dahil hindi pa nakababalik sa kanilang mga lugar.

Samantala, nakahanda naman ang Simbahang Katolika sa pangunguna ng Prelatura ng Marawi upang simulan ang proyektong pabahay para sa 150 pamilya ng mga Kristiyano sa lugar.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 226,252 total views

 226,252 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 256,475 total views

 256,475 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 283,119 total views

 283,119 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 378,092 total views

 378,092 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 384,506 total views

 384,506 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top