NDRRMC, binalaan ang publiko sa banta ng bagyong Hanna

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,447 total views

Umabot na sa higit 19-libong pamilya ang apektado ng bagyong Goring na huling namataan sa silangang bahagi ng Aparri, Cagayan.

Batay sa situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), higit 63-libong indibidwal ang naapektuhan ng sama ng panahon, kung saan halos 25-libong indibidwal ang nananatili sa 154 evacuation centers.

Ayon kay Office of Civil Defense administrator at NDRRMC executive director Undersecretary Ariel Nepomuceno, patuloy na nakikipag-ugnayan ang OCD sa Regional DRRM offices at iba pang ahensya ng pamahalaan upang matiyak ang paghahatid ng tulong sa mga apektado ng bagyo.

“On the part of OCD, as the executive arm of the NDRRMC, we continue to monitor the situation and coordinate response operations. We have activated the emergency preparedness and response or the EPR protocols in various regions. These are prescribed measures that need to be taken in the areas. Also, the National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC)’s response clusters, led by different agencies, were activated.” ayon kay Nepomuceno.

Sa kasalukuyan, wala pang naitatalang nasawi ang NDRRMC mula sa pananalasa ng bagyong Goring.

Patuloy na pinapaalalahanan ng ahensya ang publiko na manatiling handa sa anumang panganib, at sundin ang mga babala at abiso mula sa mga kinauukulan hinggil sa bagyo.

Batay sa huling ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), inaasahang hapon o gabi ng Huwebes ay lalabas na ng PAR ang Bagyong Goring, habang binabantayan din ang isa pang sama ng panahon na may international name na Haikui, at tatawaging bagyong Hanna kapag pumasok na ng PAR bukas ng hapon.

Katuwang naman ng NDRRMC ang mga Diocesan Social Action Centers ng Northern Luzon para sa mabilis na pagtugon sa mga apektado ng bagyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 47,342 total views

 47,342 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 43,211 total views

 43,211 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 79,413 total views

 79,413 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 88,120 total views

 88,120 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 113,414 total views

 113,414 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top