Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Northern Luzon dioceses, muling nanawagan ng tulong

SHARE THE TRUTH

 3,379 total views

Muling umapela ng tulong ang mga Diyosesis sa Hilagang Luzon dahil sa matinding pinsalang iniwan ng bagyong Egay sa mamamayan.

Ayon kay Father Jeorge Manisem – Social Action Director ng Apostolic Vicariate ng Tabuk, layunin nilang makapamahagi ng foodpacks sa may limang libong pamilya na nasalanta ng kalamidad.

Mula sa bilang, 2,500 pamilya na ang makakatanggap ng family food packs na nagkakahalaga ng 600-pesos ang kada bag.

“As of now, we received 400,000 from the dioceses of Dumaguete, Pasig, and Pondo ng pinoy (total- 400k), this fund will purchase 666 family food packs in partnership with the Savemore Tuguegarao, so kulang parin for our target, the Metrobank also committed to give 500k but this is exclusively for thermal kit which is still to be distributed on saturday once we purchase the items,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Father Manisem.

Ibinahagi naman ni Rodolfo Villanueva – Secretary to the Director ng Social Action Center ng Diocese of Iba sa Zambales na 175 na pamilya ang nangangailangan ng relief assistance matapos bahain at masira ang kabahayan.

“Most Probably po food items pa din po, may mga livelihoods po kasi na affected and still may mga nasa evacuation center po due to the landslide,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Villanueva.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction Management Council, aabot na sa 4.5-milyong mamamayan na katumbas ng 1.22-milyong pamilya ang naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Egay, Falcon at Habagat sa Hilaga, Gitnang Luzon.

Umaabot narin sa 9.97-billion pesos ang pinsalang idinulot ng mga kalamidad sa sektor ng agrikultura, imprastraktura at iba pang sektor.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Witch hunt?

 10,459 total views

 10,459 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 24,419 total views

 24,419 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 41,571 total views

 41,571 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 92,001 total views

 92,001 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 107,921 total views

 107,921 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Online gambling, kinundena ng CBCP

 30,244 total views

 30,244 total views Kinundena ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang paglaganap ng online gambling sa Pilipinas. Ayon sa kalipunan ng mga Obispo, salot

Read More »
Scroll to Top