Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

NRP 2023, dinaluhan ng 2,000 pari

SHARE THE TRUTH

 34,882 total views

Nagpasalamat sa Panginoon ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Clergy sa natatanging pagkakataong nagkatipon ang mga pari sa pagninilay ng bokasyon.

Ayon kay Jaro Archbishop Jose Romeo Lazo ang chairman ng komisyon, isang magandang halimbawa ang pagbubuklod ng mga pastol ng simbahan sa isinagawang National Retreat for Priests 2023 (NRP 2023) upang pagtibayin ang misyong paglingkuran ang kawangl ng diyos.

“My gratitude to God who called these priests to get together, a beautiful experience of being one serving God’s people. For me this is a wonderful way of telling the people that we priests are called to be holy.” pahayag ni Archbishop Lazo sa Radio Veritas.

Sinabi ng arsobispo na akma ito sa tema ng NRP 2023 na ‘Priesthood: A call to holiness’ kung saan pinagninilayan ng mahigit 2, 000 mga pari sa bansa kung nagagampanan ang kanilang bokasyon bilang mga pastol ng simbahan.

Tinuran ni Archbishop Lazo na ang tawag ng kabanalan ay para sa bawat binyagang kristiyano subalit ito ay natatanging kaloob din sa mga pari na tinawag upang maglingkod sa sambayanan ng Diyos.

“The starting point of the call to holiness is our baptism much more if you are gifted with priesthood to serve the people, so, I humbly ask our faithful to pray for us priests because we need prayers as well. Our desire to serve the people of God has to come from the source which is God.” ani Archbishop Lazo.

Sinabi naman ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. na ang malalim na kamalayan sa bokasyon ng bawat pari ang maghahatid sa landas ng kabanalan na maipapamalas sa nasasakupang kawan.

Sinabi ni Bishop Bacani na bilang mga pastol ng simbahan ay nararapat na unahing hubugin ang sarili sa kabanalang hatid ni Hesus upang maging mabuting ehemplo sa kristiyanong pamayanan.

“This retreat is significant for us priests to seek holiness in the Lord. The quality of the Christian life in a parish or diocese depends on the quality of the priests who serve them. If the priests are saintly, then the people are holy,” pahayag ni Bishop Bacani sa Radio Veritas.

Batid naman ni Cebu Auxiliary Bishop Ruben Labajo na isang malaking hamon para sa bawat pari ang pagpapanatiling banal lalo na sa kasalukuyang panahon na maraming hamong kinakaharap ang pamayanan.

“Ang pagbabago is a long process so hopefully sa pag-attend naming mga pari sa retreat may naitanim na binhi sa puso ng bawat pari na kailangan aming i-nurture para lumago at mag-mature ang aming pananampalataya at maisabuhay ang tunay na diwa ng pagiging pastol.” mensahe pa ni Bishop Labajo.

Pinangunahan ni missionary nun Sr. Briege Mckenna, OSC ang mga panayam sa NRP 2023 kasama si Spanish priest Fr. Pablo Escriva de Romani sa IEC Convention Center sa Cebu City mula November 7 hanggang 9..

Nakibahagi sa unang araw si Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown kasama ang 31 mga obispo mula sa iba’t ibang mga diyosesis at arkidiyosesis sa bansa.

Ang NRP 2023 na inisyatibo ng CBCP Commissions on Clergy katuwang ang Archdiocese of Cebu, CHARIS Philippines, at Marian Solidarity ay unang itinakda noong 2021 bilang bahagi sa 500 Years of Christianity celebration ng Pilipinas subalit naantala dahil sa umiral na pandemya.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 73,108 total views

 73,108 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 105,103 total views

 105,103 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 149,895 total views

 149,895 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 172,845 total views

 172,845 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 188,243 total views

 188,243 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 379 total views

 379 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 11,454 total views

 11,454 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top