Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bishop Pabillo, hanga sa katatagan at matibay na pananampalataya ng Yolanda survivors

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 36,169 total views

Ibinahagi ni Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo ang naging karanasan noong manalasa sa bansa ang Super Typhoon Yolanda, 10 taon na ang nakakalipas.

Ayon kay Bishop Pabillo, noo’y chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-National Secretariat for Social Action (CBCP-NASSA) at Auxilliary Bishop ng Archdiocese of Manila, malaking dagok ang iniwan ng Bagyong Yolanda sa Pilipinas dahil sa lawak ng saklaw nito na higit na nakapinsala sa Eastern Visayas, lalo na sa Tacloban City at Palo, Leyte.

“Talagang nabulagta kami noong panahon na ‘yun, 10 years ago, pagdating ng Bagyong Yolanda kasi hindi namin inaakala na ganun kalakas at katindi ang damage na magagawa sa Tacloban City at sa iba pang dioceses noong panahon.” bahagi ng pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radio Veritas.

Gayunman, sinabi ng obispo na sa kabila ng naging pinsala, agad na kumilos ang simbahan sa pamamagitan ng mga Diocesan Social Action Commission (DSAC) katuwang ang iba’t ibang organisasyon upang matugunan ang pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad.

Kabilang sa mga labis ding naapektuhan ng Bagyong Yolanda ang Northern Palawan lalo na sa mga isla ng Coron, Busuanga, at Culion.

Kasalukuyang pinamumunuan ni Bishop Pabillo ang Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan na sumasaklaw sa mga parokya at mission stations sa buong Northern Palawan.

“Naalaala ko noong panahong ‘yun, hindi naman immediately, pero mga three months later naging kasama ako, pumunta ako dito sa Northern Palawan para mag-deliver ng mga bigas sa isang mission station na malayo. ‘Yan po ay ang mission station sa La Inmaculada Concepcion Parish sa Culion. ‘Yan po ang na-experience ko na sumakay kami ng bangka nang 11 hours para makapagdala doon ng bigas at nasiraan pa kami sa dagat.” pagbabahagi ni Bishop Pabillo.

Ikinahanga naman ng obispo ang katatagan ng mga nasalanta ng malakas na bagyo, na patuloy na bumabangon upang harapin ang pag-asa at magpatuloy sa buhay.

Panalangin ni Bishop Pabillo na manatili nawa sa mga biktima ng Bagyong Yolanda ang presensya ng Panginoon upang gabayan at maging matatag sa anumang mga pagsubok sa hinaharap.

“Panginoong Diyos, gabayan N’yo po at patatagin ang mga kapatid namin na nasalanta noong panahon ng Bagyong Yolanda. Salamat po sa mga naka-survive, salamat po sa mga natulungan. Palakasin N’yo ang loob sa mga taong nangangailangan dahil nga sa bagyong iyon. Sana po, patuloy silang magsikap at patuloy na may mga taong tutulong sa kanila at hindi magsawa na maiahon ang mga nabiktima ng bagyong ito. Ito po’y hinihiling namin sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.” panalangin ni Bishop Pabillo.

Ikawalo ng Nobyembre, 2013 nang manalasa sa Pilipinas ang itinuturing na pinakamalakas at kauna-unahang Super Typhoon sa kasaysayan ng bansa, kung saan mahigit sa 6,000 katao ang naitalang nasawi.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

SINGIL SA KURYENTE

 37,922 total views

 37,922 total views Kapanalig, kahit humupa na ang sigalot sa pagitan ng Amerika at Iran, hindi pa rin tayo nakakahulagpos sa matinding pasakit na dulot ng

Read More »

SENATE GRIDLOCK

 40,132 total views

 40,132 total views Kapanalig, ang “impasse” ngayon sa Senate of the Philippines, ang labanan sa poder., sa liderato., committee chairmanships, ang talamak na grandstanding, pakikipagsabwatan ng

Read More »

Malaya pero bihag pa rin

 113,511 total views

 113,511 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 126,455 total views

 126,455 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Papalayô sa tunay na demokrasya

 153,172 total views

 153,172 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top