Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 823 total reads

Ang Mabuting Balita, 8 Nobyembre 2023 – Lucas 14: 25-33
KINAKAILANGAN
Noong panahong iyon, sumama kay Jesus ang napakaraming tao; humarap siya sa kanila at kanyang sinabi, “Hindi maaaring maging alagad ko ang sinumang umiibig sa kanyang ama at ina, asawa at mga anak, mga kapatid, at maging sa sarili niyang buhay nang higit sa akin. Ang sinumang hindi magpasan ng sariling krus at sumunod sa akin ay hindi maaaring maging alagad ko. Kung ang isa sa inyo’y nagbabalak magtayo ng tore, hindi ba uupo muna siya at tatayahin ang magugugol para malaman kung, may sapat siyang salaping maipagpapatapos niyon? Baka mailagay ang mga pundasyon ngunit hindi naman maipatapos – siya’y kukutyain ng lahat ng makakakita nito. Sasabihin nila: ‘Nagsimulang magtayo ang taong ito pero hindi naipatapos.’ O sinong hari na makikipagdigma sa kapwa hari ang hindi muna uupo at pag-aaralang mabuti kung ang sampunlibo niyang kawal ay maisasagupa sa kalaban na may dalawampunlibong tauhan? At kung hindi niya kaya, malayo pa ang kalaban ay magsusugo na siya ng mga kinatawan upang makipagkasundo. Gayun din naman, hindi maaaring maging alagad ko ang sinuman, kung hindi niya tatalikdan ang lahat sa kanyang buhay.”
————
Siyempre, hindi tayo inuudyukan ni Jesus na kamuhian ang ating mga magulang, miyembro ng pamilya, at pati ang sarili nating buhay. Sinasabi lang niya sa atin ang KINAKAILANGAN para maging isang Kristiyano. Kailangang handa tayong isuko o labanan ang mga taong minamahal natin, pati na rin ang mga bagay na gustong gusto natin makamit sa buhay, kung nais natin maging matapat na tagasunod ni Jesus. Para sa mga Katoliko, ang mga magulang ang nagpapasya para sa anak. Ngunit sa Kumpil, ang anak ang nagpapasya para sa kanyang sarili na maging tagasunod ni Kristo. Ito ang dahilan kung bakit napakahalaga ang paghubog ng mga magulang sa kanilang mga anak ayon sa Pananampalataya mula sa Binyag, at ipaintindi sa kanila na ang pagiging Kristiyano ay ISANG PASYA na maging matapat na tagasunod ni Kristo.
NAPAKALAKI ng gantimpala kung tayo ay magiging matapat na tagasunod ni Kristo hindi lamang sa kabilang buhay kundi pati sa buhay natin ngayon, kaya’t napakaraming mga santo at santa ang nag-iwan ng lahat ng mayroon sila makasunod lamang kay Kristo.
Panginoong Jesus, magkaroon nawa kami ng lakas ng loob na laging itaguyod ang iyong mga turo saan man kami naroroon at sinuman ang aming mga kasama!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 76,416 total reads

 76,416 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 171,262 total reads

 171,262 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 215,530 total reads

 215,530 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 238,639 total reads

 238,639 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 310,337 total reads

 310,337 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

ULTIMATE GOAL

 7,348 total reads

 7,348 total reads Gospel Reading for October 09, 2026 – Luke 11: 15-26 ULTIMATE GOAL When Jesus had driven out a demon, some of the crowd

Read More »

OMNISCIENT

 7,777 total reads

 7,777 total reads Gospel Reading for October 08, 2026 – Luke 11: 5-13 OMNISCIENT Jesus said to his disciples: “Suppose one of you has a friend

Read More »

BRIDGING THE GAP

 9,120 total reads

 9,120 total reads Gospel Reading for October 07, 2026 – Luke 11: 1-4 BRIDGING THE GAP Jesus was praying in a certain place, and when he

Read More »

JOYFUL HOPE

 6,113 total reads

 6,113 total reads Gospel Reading for October 06, 2026 – Luke 10: 38-42 JOYFUL HOPE Jesus entered a village where a woman whose name was Martha

Read More »
Scroll to Top