PJPS, nagpapasalamat sa tagumpay ng SOAP project

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 25,681 total views

Nagpahayag ng pasasalamat ang Philippine Jesuit Prison Service sa mga tumugon sa panawagan na magbahagi ng biyaya at pagkalinga sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) noong nakalipas na 36th Prison Awareness Week.

Ayon kay Rev. Fr. Firmo “Jun-G” Bargayo Jr. SJ – executive director ng PJPS, dahil sa pagtutulungan ng mga may mabubuting pusong indibidwal, grupo, at institusyon ay naisakatuparan ang Simple Offering of Affection for Persons Deprived of Liberty (PDLs) o S.O.A.P. Project na makalikom ng hygiene kits para sa mga PDLs.

Pagbabahagi ng Pari, dahil sa aktibong pagtugon ng bawat isa sa proyekto ay naabot ng organisasyon ang target na makalikom ng 34,000 hygiene kits partikular ng mga sabon at ointment para sa may 34,000 na mga PDLs sa New Bilibid Prison (NBP) at Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City.

“It’s an acronym so it is a Simple Offering of Affection for (PDLs) Persons Deprived of Liberty.So we target for the past 3 years na lahat ng mga PDLs natin na NBP at CIW mabigyan sila ng kahit tig-iisang sabon lang at saka isang ointment. Good news because we we’re able to get what we need, so magkakaroon ng tig-iisang sabon at katinko ang ating mga PDLs, so almost 34,000 silang lahat. Malaking bagay para sa kanila na maalala sila at mabigyan sila ng affection.” Ang bahagi ng pahayag ni Fr. Bargayo sa Radio Veritas.

Paliwanag ng Pari, pambihirang kaligayahan ang maidudulot sa mga PDLs ng anumang pagsusumikap na maipadama ang pagkalinga at biyaya ng Panginoon sa loob ng mga bilangguan.

“Yung kaligayan sa loob (ng bilangguan) very illusive and sometimes mahirap nilang makuha pero in our effort, in our endeavor like itong S.O.A.P Program nakita natin na magbibigay ito ng kaligayahan, pero yung kaligayahan na yun kahit illusive siya kapag nakuha nila forever na dadalhin nila sa puso.” Dagdag pa ni Fr. Bargayo.

Nilinaw naman ng Pari na bagamat hindi madaling kalingain ang mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) na nakagawa ng kasalanan kapwa na malaking hamon sa simbahan.

Ang Philippine Jesuit Prison Service (PJPS) ay ang socio-pastoral apostolate ng Society of Jesus (Philippine Province) na nagkakaloob ng iba’t ibang mga serbisyo at programa tulad ng holistic rehabilitation sa mga bilanggo o Persons Deprived of Liberty.

Inaasahan namang isasagawa ang turn-over ng mga nalikom ng PJPS na mga sabon at ointment para sa mga PDLs kasabay ng pagdiriwang ng anibersaryo ng Bureau of Corrections ngayong buwan ng Nobyembre, 2023.

Ang New Bilibid Prison at Correctional Institution for Women sa Mandaluyong ay kapwa pinangangasiwaan ng Bureau of Corrections (BuCor) nanagdiriwang ng 118th founding anniversary ngayong taon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 20,881 total views

 20,881 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 194,815 total views

 194,815 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 172,448 total views

 172,448 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 235,848 total views

 235,848 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 254,129 total views

 254,129 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top