Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Nutrisyon at kalusugan ng kabataan

SHARE THE TRUTH

 1,333 total views

Mga Kapanalig, sa gitna ng malaking utang ng ating bansa upang tugunan ang COVID-19 pandemic at kabi-kabilang proyektong imprastraktura sa ilalim ng Build, Build, Build Program, ang huling loan sa papatapós na administrasyong Duterte ay tututok sa kalusugan at nutrisyon ng mga bata. Uutang ang ating bansa ng mahigit 178 milyong dolyar para sa mga programang naglalayong solusyunan ang laganap na malnutrisyon at stunting o pagiging bansot ng mga batang Pilipino.

Noong 2018, tatlo sa bawat sampung batang Pinoy ay stunted. Ayon sa World Bank, panglima ang Pilipinas sa mga bansa sa East Asia and Pacific sa may pinakamataas na bilang ng mga batang stunted. Sa buong mundo naman, pangsampu ang ating bansa sa dami ng mga batang stunted. Upang mapababa ito sa 20%, kinakailangang bumaba ng dalawang porsyento kada taon ang bilang ng mga batang stunted. Ngunit dahil sa pandemya, halos naging “silent pandemic” na rin ang stunting. Sa isang pag-aaral naman, nakitang halos walang pagbabago ang antas ng undernutrition sa ating bansa sa loob ng tatlong dekada. May mga rehiyon ding higit 40% ang antas ng stunting. Kabilang dito ang BARMM, MIMAROPA, Bicol, Western Visayas, at SOCCSKSARGEN. Lubhang nakakaalarma ang isyung pangkalusugang ito.

Ang halos 200 milyong uutangin natin ay may tatlong components. Una ay ang primary health care integration upang matiyak na madaling makakamit ng mga bata ang mga batayang serbisyong pangkalusugan, katulad ng pagkakaroon ng gamot at referral sa mga doktor sa mga ospital. Pangalawa ay ang community-based nutrition service delivery o ang paglapit ng mga serbisyo sa mga komunidad. At pangatlo ay ang pagpapalakas ng mga ahensyang nagpapatupad nito upang matiyak na may kakayanan silang ihatid sa mga bata ang mga programang pangkalusugan.

 

 

Ang malusog na kabataan ay nagpapahiwatig ng malusog na mamamayan sa hinaharap. Sila ang mga mamamayang mag-aambag sa pag-unlad ng ating bansa. Kung mananatiling stunted at undernourished ang mga bata, hindi lamang natin sila pinagkakaitan ng kanilang karapatan sa wastong nutrisyon at maayos na kalusugan. Ipinakikita rin nitong hindi prayoridad ng pamahalaan ang mga mamamayang kayamanan ng ating bansa. Bagamat nariyan na ang mga batas katulad ng First 1,000 Days Law at Universal Health Care Law, kailangan ng sapat na pondo o budget upang maipatupad ang mga programang magtitiyak na makakamit ang mga layunin ng mga batas na ito. Ang First 1,000 Days Law, halimbawa, na kumikilalang kritikal sa paglaki at pag-unlad ng bawat bata ang unang 1,000 araw mula sa sinapupunan hanggang sa kanyang paglaki ay naglalayong tiyaking may sapat na nutrisyon ang mga bata sa panahong ito.

Ang ating Santa Iglesia ay naniniwala sa halaga ng bawat bata at sa kanilang karapatan sa wastong nutrisyon at maayos na kalusugan. Sabi nga ni Pope Francis, “children are indispensable resource for the future.” Dahil magkakaugnay ang mga hamong hinaharap ng bawat pamilya, hindi maaaring pag-usapan ang sustainable development o pangmatalagan at tuluy-tuloy na pag-unlad kung hindi kinikilala ang pagkakaugnay ng bawat henerasyon. Dagdag pa ng Santo Papa, may tungkulin ang pamahalaang lutasin ang mga humahadlang sa pag-unlad ng mga pamilya at mga bata, dahil ang pag-unlad nito ay may positibong epekto sa bawat isang bumubuo sa lipunan.

Mga Kapanalig, sabi nga sa Ecclesiastes 3:13, “At ang bawat tao rin naman ay marapat kumain at uminom, at magalak sa kabutihan sa lahat niyang gawa, siyang kaloob ng Diyos.” Hindi lamang natin dapat tiyakin ang nutrisyon ng bawat bata dahil ito ay kanilang karapatan o dahil ito ay magtitiyak ng kanilang ambag sa lipunan. Dapat natin silang pakainin nang wasto at siguruhin ang maayos nilang kalusugan dahil kaloob ng Diyos ang mga ito.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 4,860 total views

 4,860 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 10,833 total views

 10,833 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 16,588 total views

 16,588 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 23,851 total views

 23,851 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 31,836 total views

 31,836 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 4,861 total views

 4,861 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 10,834 total views

 10,834 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 16,589 total views

 16,589 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 23,852 total views

 23,852 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 31,837 total views

 31,837 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 35,389 total views

 35,389 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 47,393 total views

 47,393 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 55,435 total views

 55,435 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 46,992 total views

 46,992 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 45,417 total views

 45,417 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 47,203 total views

 47,203 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 44,128 total views

 44,128 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 58,442 total views

 58,442 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 62,132 total views

 62,132 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 60,735 total views

 60,735 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top