Obispo, duda sa isinusulong na CHA-CHA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 679 total reads

Duda ang isa sa mga nagbalangkas ng 1987 Constitution na tanging economic provisions lamang ang aamyendahan ng mga mambabatas sa muling pagsusulong ng Charter Change.

Ayon kay Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr., isa sa 1987 Constitutional framers, bukod sa hindi napapanahon ang muling pagsusulong na maamyendahan ang Saligang Batas sa gitna ng COVID-19 pandemic ay hindi dapat basta magtiwala sa mga mambabatas.

Ipinaliwanag ng Obispo na mahirap pagkatiwalaan ang mga pangako ng mga mambabatas maging ang mismong mga pabago-bagong pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Iginiit ni Bishop Bacani na dahil sa patuloy na banta ng COVID-19 ay mas higit na lantad ang mamamayan upang mapagsamantalahan lalo sa mga usaping political.

“Ang malaking issue ay Trust. Mahirap magtiwala na economic provisions lang ang tatalakayin. Mahirap pagtiwalaan ang mga congressmen at si Pres. Digong (President Rodrigo Roa Duterte). At di napapanahon. Bukod sa pandemic at dahil sa pandemic madaling pagsamantalahin ang mga mamamayan.” pahayag ni Bishop Bacani sa panayam sa Radio Veritas.

Nasasaad sa Resolution of both Houses No. 2 na inihain ni House Speaker Lord Allan Velasco, ang hangad na maamyendahan ang ilang mga economic provisions sa kasalukuyang 1987 Constitusyon.

Partikular na tinukoy ng mambabatas ang pagkakaroon ng constitutional amendments sa ilang economic provisions na naglilimita sa mga dayuhang pamumuhanan upang matugunan ang epekto ng krisis na dulot ng COVID-19 pandemic.

Kabilang sa mga nais na amyendahan ng mga mambabatas ay ang 40-porsyentong cap sa dayuhang pagmamay-ari ng mga operasyon sa negosyo at ang pagkakaroon ng total ban sa pakikibahagi ng mga dayuhan sa media industry.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 1,275 total reads

 1,275 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 3,367 total reads

 3,367 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 11,159 total reads

 11,159 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 48,537 total reads

 48,537 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 79,808 total reads

 79,808 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 156,632 total reads

 156,632 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 250,334 total reads

 250,334 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 23,873 total reads

 23,873 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top