Obispo, nakikiisa sa nararanasang kahirapan ng mga magsasaka at mangingisda

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,743 total views

Nakikiisa ang Vice-President ng Caritas Philippines sa dinaranas na kahirapan ng mga magsasaka at krisis sa sektor ng agrikultura sa bansa.

Inihayag San Carlos Bishop Gerardo Alminaza na ang nararanasang hirap ng mga magsasaka at mangingisda ay dulot ng kakulangan ng suporta mula sa pamahalaan at climate change.
Hinimok naman ng Obispo ang mga magsasaka at mangingisda na huwag mawalan ng pag-asa dahil kalakbay nila ang simbahan.

“This year is the Jubilee Year of Hope, huwag po tayong mawalan ng pag asa. Ang susi sa ating pag-unlad ay nasa sarili nating mga kamay at sa kamay ng ating mga kapatid sa patnubay at tulong ng ating Maykapal. Naway magtagumpay ang inyong pagtipon-tipon at paghawak-hawak para ipakita at iparamdam na ang tanging hangad lamang ninyo ay isang mapayapa at maunlad na buhay hindi lamang para sa inyo kundi para sa mga susunod na henerasyon,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Alminaza sa Radio Veritas.

Inalala at ipinagdarasal din ni Bishop Alminaza ang mga kaluluwa at kapayapaan ng mga magsasaka sa Guimba at Talavera, Nueva Ecija na sinasabing winakasan ang buhay dahil sa pangambang hindi makabayad sa mga utang dahil sa patuloy na pagbaba ng presyo ng palay.

Kasabay nito, nanawagan ang Obispo sa pamahalaan na tugunan ang problema ng mga magsasaka at mangingisda upang maibsan ang kanilang dinaranas na kahirapan.

“Ang pagkitil sa sariling buhay ay hindi paraan upang malampasan ang mga pinagdadaanang paghihirap ng mga magsasaka at mangingisdang Pilipino. Mabigat ngayon ang hinaharap dahil sa nakaraang mga batas na nagpapasok ng mga produkto galing sa ibang bansa at nagpalugi sa mga magsasaka. Nagkaroon din ng desisyon ang Korte Suprema na nagbanta sa kabuhayan ng mga mangingisdang Pilipino, subalit kahit mabigat ang hinagpis at paghihirap ng ating mga kababayan, hindi kailanman tayo iniwan ng Poong Maykapal na ginawa tayong kasangkapan para ipaglaban ang ating karapatang magkaroon ng maayos na kabuhayan ng hindi dumadaan sa dahas,” bahagi pa ng mensaheng ipinadala ni Bishop Alminaza sa Radio Veritas.

Kinatigan din ng Obispo ang isasagawang kilos-protesta ng 150-magsasaka mula sa Region 3 para hilingin sa pamahalaan ang suporta sa kanilang hanay.
Sa pag-aaral ng Philippine Statistics Authority noong 2023, nararanasan ng mga magsasaka at mangingisda ang 36.9% at 40.8% poverty incidence rate.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 52,469 total views

 52,469 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 48,338 total views

 48,338 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 84,540 total views

 84,540 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 93,103 total views

 93,103 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 118,006 total views

 118,006 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top