21,333 total views
Itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco si Boholano Archbisbhop Bernardito Auza bilang Apostolic Nuncio to the European Union.
Bilang kinatawan ng santo papa sa EU gampanin nitong isulong ang mga programa ng simbahang katolika na nakabatay sa turo ng simbahan ay pakikipagtulungan sa usapin ng social justice, migration at pagtataguyod ng human dignity.
Ang arsobispo ay kasalukuyang nagsilbing nuncio sa Spain at Andorra mula October 2019.
Tubong Talibon Bohol, ipinanganak si Archbishop Auza noong June 10, 1959 at inordinahang pari ng Diocese of Tagbilaran noong June June 29, 1985 at nagsimulang manilbihan sa diplomatic service noong 1990.
Unang naglingkod si Archbishop Auza sa Madagascar taong 1990 hanggang 1993, naging bahagi ng Permanent Mission ng Holy See sa United Nations bago maging nuncio sa Haiti noong 2008.
Ilan pa sa pinaglingkuran nito ang Bulgaria, at Albania habang taong 2014 itinalagang kinatawan ng Vatican sa United Nations sa New York Amerika.
Si Archbishop Auza ay isa sa limang Pilipinong nuncio kabilang sina South Korea Apostolic Nuncio Emeritus Archbishop Osvaldo Padilla, Archbishop Tito Yllana na kasalukuyang nuncio sa Israel at Palestine, Archbishop Francisco Padilla sa Guatemala, at Archbishop Arnaldo Catalan sa Rwanda.