Obispo ng Borongan, nanawagan ng tulong

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 710 total reads

May 16, 2020-1:35pm

Nanawagan ng panalangin at tulong si Borongan Bishop Crispin Varquez sa mga mananampalataya para sa mga labis na naapektuhan ng bagyong Ambo sa Eastern Samar.

Ayon sa inilabas na video message ni Bishop Varquez, kabilang sa mga napinsala ang kumbento at ang San Ramon Nonato Parish sa Arteche.

“Parang super typhoon na siya, dahil matibay po ang simbahan sa Arteche pero tinanggal po ang whole roofing at yuon pong walling sa altar ay bumaliktad din. ‘Yan po ang nangyari sa simbahan at maraming mga bahay ang nasira doon at sa ibang mga parokya sa northern part sa Diocese ng Borongan,” ayon kay Bishop Varquez.

Bukod simbahan, marami ring mga bahay sa bayan ng Arteche ang labis na napinsala ng bagyo.

Tiniyak naman ni Bishop Varquez ang pakikiisa sa mamamayan na hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na natatakot at nangangamba dulot ng kalamidad sa kanilang lalawigan.

Hinikayat din ng obispo ang bawat isa ay manatili ang pagtitiwala sa Panginoon na hindi tayo pababayaan.

“Tandaan po natin na sa gitna ng ating kahirapan hindi po tayo pinababayaan ng Panginoon, ‘yan po ang ating panghahawakan at tayo ay hindi dapat mawalan ng pag-asa. Ang taong may pananampalataya na habang tumitindi ang kapighatian ay lalung tumatatag ang kalooban sapagkat alam natin na hindi tayo pababayaan ng Panginoon,” ayon pa sa Obispo.

Nagpapalasamat naman ang obispo na bagama’t malawak ang pinsala ng bagyong ambo ay wala namang naitalang nasawi bagama’t may isang naiulat na sugatan.

Taong 2013, kabilang din ang Eastern Samar sa labis na naapektuhan ng bagyong Yolanda.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 79,638 total reads

 79,638 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 120,198 total reads

 120,198 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 143,245 total reads

 143,245 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 191,513 total reads

 191,513 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 210,502 total reads

 210,502 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

VP Sara at asawa, may 51-baril

 27,714 total reads

 27,714 total reads Umaabot sa 51 ang kabuuang bilang ng mga baril na pag-aari ni Vice President Sara Duterte at asawa nitong si Atty. Manases Carpio.

Read More »
Scroll to Top