Thanks, but no thanks!

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 894 total reads

May 17, 2020, 9:37AM

Kinilala ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ang desisyon ng pamahalaan na payagan ang mga religious gatherings sa mga lugar na isinailalim sa modified enhanced community quarantine at general community quarantine.

Subalit dismayado ang obispo sa kawalang sapat na konsultasyon ng Inter Agency Tasks Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID) kaugnay sa gawaing pangsimbahan.

Batay sa Section 2 No. 9 ng guidelines na inilabas ng I-A-T-F sa lugar na umiiral ang MECQ tulad ng National Capital Region, pinapayagan ang pagsasagawa ng mga gawaing simbahan ngunit limitado lamang sa limang katao.

“Welcome in a sense na pinapayagan na [religious gatherings] but unwelcoming na ang kanilang limitasyon ay impractical,” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radio Veritas.

Pinuna ni Bishop Pabillo ang desisyon lalo’t sa mga tanggapan at iba pang institusyon ay pinapayagan ng pamahalaan ang halos kalahati sa kanilang work force tulad ng mga pabrika ngunit ang mga simbahan na malalawak ang lugar ay nililimitahan sa lima at sampung katao lamang.

Aniya, hindi praktikal at hindi makatotohanan ang bilang na iminungkahi ng I-A-T-F kayat dapat nila itong suriin at irekonsidera.
“Gumagawa sila ng desisyon na hindi kinokonsulta ang people at sector concerned,” ani ni Bishop Pabillo.

Magugunitang nagsumite ang arkidiyosesis ng panuntunan sa I-A-T-F sa pamamagitan ng Department of Health dalawang linggo ang nakalipas ngunit walang natanggap na feedback.

Dagdag ni Bishop Pabillo mas magandang magbigay ang I-A-T-F ng alituntunin tulad ng pagpapatupad ng isa o dalawang metrong pagitan ng mga magsisimba sa loob ng simbahan.

Ika – 15 ng Mayo nagtapos ang enhanced community quarantine kasabay ng pagpatupad ng general community quarantine sa buong bansa maliban sa National Capital Region, Laguna at Cebu na isinailalim sa MECQ dahil sa naitalang mataas na kaso ng COVID 19.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 78,177 total reads

 78,177 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 118,736 total reads

 118,736 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 141,892 total reads

 141,892 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 190,160 total reads

 190,160 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 209,199 total reads

 209,199 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top