575 total views
Nilinaw ng Diocese of Dumaguete na walang sinuman ang binigyan ng pahintulot ni Dumaguete Bishop Julito B. Cortes, D.D. na masagawa ng solicitation sa pangalan ng diyosesis.
Sa inilabas na pahayag ng diyosesis sa pamamagitan ni Diocese of Dumaguete Chancellor Rev. Fr. Carmelito Limbaga, Jr.
Binigyang diin ng Pari na scam at walang anumang apela ng donasyon ang isinasagawa ng diyosesis o ni Bishop Cortes.
Paliwanag ni Fr. Limbaga, mayroong ipinatutupad na Centralized Finance System (CFS) ang diyosesis kung saan ang lahat ng financial transaction at maging mga donasyon ay dapat dumaan sa Office of the Oeconomus para sa tamang proseso na mayroong kalakip na resibo.
Kasabay nito, pinag-iingat ng Pari ang bawat mananampalataya kaugnay sa iba’t ibang paraan ng scam o panloloko ng mga kawatan na ginagamit ang mga programa at adbokasiya ng Simbahan upang makapangikil sa mga mananampalataya.
Ang naturang pahayag ay kasunod ng mga natanggap na reklamo at ulat ng tanggapan ni Bishop Cortes kaugnay sa mga kumakalat na solicitation messages na humihingi ng donasyon para sa Simbahan.