Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Deklarasyon ng Boac cathedral bilang Important Cultural Property, isang testimony of faith.

SHARE THE TRUTH

 496 total views

Ang deklarasyon sa Boac Cathedral bilang isang Important Cultural Property (ICP) ay isang patunay at pagkilala sa katatagan ng pananampalatayang Katoliko ng mga Marinduqueños.

Ito ang pagninilay ni Diocese of Boac Bishop Marcelino Antonio Maralit kaugnay sa opisyal na paglagda ng deklarasyon at unveiling ng marker ng National Museum of the Philippines sa Boac Cathedral bilang isa sa Important Cultural Property (ICP) sa bansa.

Ayon sa Obispo, isang malaking biyaya sa diyosesis ang naging deklarasyon sa Simbahan na bukod sa pisikal na katatagan ng istruktura na dumaan na sa iba’t ibang kalamidad at sitwasyon ay saksi rin sa matibay na pananampalatayang Katoliko sa lalawigan.

“Malaking bagay yun kasi ito’y testimony una ng history ng Catholic Church sa isla ng Marinduque na kasi yung Cathedral will always stand as isa sa mga central piece noong faith na dinala sa Marinduque. Una ito ay testimony ng resilience of faith, yung katatagan ng pananampalataya noong mga taga-roon sapagkat yung Cathedral ay dumaan na sa napakaraming lindol, napakaraming bagyo, gyera hanggang sa kinuha pa ng mga Amerikano yung Cathedral at ginawang parang barracks pero it survive it all those years.” pahayag ni Bishop Maralit sa panayam sa Radyo Veritas.

Ibinahagi din ng Obispo na isa ring katibayan ang pagkilala sa pambihira at mayamang kultura ng mga Marinduqueños na patuloy na napalago ang pananampalatayang Katoliko na dala ng mga Espanyol sa bansa.

Inihayag ni Bishop Maralit na hindi matatawaran ang mga kwento ng buhay, pananampalataya at pasasalamat sa Panginoon ng bawat mananampalataya na nasaksihan ng Boac Cathedral sa loob ng mahabang panahon.

“Katibayan din ito at testimony ng richness of the faith dahil culturally speaking kaya siya ay tinawag na Important Cultural Property it shows that culturally maipagmamalaki simula’t sapul ang mga Marinduqueño at ang pananampalatayang Kristyano, it was a culture brought in by the Spaniards, taking in by the Marinduqueños and enriched by the Marinduqueño so again it’s a testimony of the richness and the treasures that is within the Catholic faith and the Catholic Church in Marinduque…” Dagdag pa ni Bishop Maralit.

Pinangunahan ni Bishop Maralit ang paglagda ng deklarasyon at unveiling ng marker ng National Museum of the Philippines sa Boac Cathedral.

Kasabay nito ang pagdiriwang ng centennial celebration ng pagkakatatag sa Marinduque bilang isang lalawigan na ipagdiriwang mula ika-16 hanggang ika-23 ng Pebrero.

Disyembre taong 2018 ng ideklara ng National Museum of the Philippines ang Cathedral of the Immaculate Conception o mas kilala bilang Boac Cathedral na isang Important Cultural Property (ICP) bukod pa sa may 40 iba pang mga lugar at ilan pang mga Simbahan na una ng idineklara bilang National Cultural Treasures (NCT) at ICP.

Ang titulo ng ICP ay iginagawad sa mga ari-arian o istruktura na may malaking ambag at kinalaman sa makasaysayang kultura at artistiko sa bansa.

Ang Dambana ng Banal na Ina ng Biglang Awa o mas kilala bilang Boac Cathedral ay itinayo noong taong 1792 ay pinaniniwalaang nagligtas at tumaboy laban sa pananakop ng mga moro noong ika-18 dantaon.

Ang National Cultural Heritage Act of 2009 na hango sa Batas Republika Bilang 1-0-0-6-6 ay tumutukoy sa mga istruktura at iba pang lugar sa bansa na nagtataglay ng mayamang kultura, sining at pang-agham na mahalagang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 77,866 total views

 77,866 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 85,641 total views

 85,641 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 93,821 total views

 93,821 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 109,386 total views

 109,386 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 113,329 total views

 113,329 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

FABC, magtatatag ng Commission for Synodality

 23,451 total views

 23,451 total views Nagkasundo ang Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) para sa pagtatatag ng isang bagong Commission for Synodality. Pangungunahan ni Filipino Cardinal, Kalookan Bishop

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

“Ang lahat ay tinatawag sa kabanalan.”

 24,122 total views

 24,122 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa maagang pagsasagawa ng Apostolic Vicariate of Taytay, Northern Palawan ng Chrism

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top