Obispo, pinasalamatan ang DENR sa pakikinig sa Marinduque campaigners

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 458 total views

Pinasalamatan ni Diocese of Boac Marinduque Bishop Marcelino Antonio Maralit ang Department of Environment and Natural Resources sa pagtanggap nito sa Marinduque Campaigners upang pakinggan ang hinaing ng mamamayan ng lalawigan.

Ayon sa Obispo, matagal nang suliranin ng mahihirap na mamamayan ng Pilipinas ang pagkasirang idinudulot ng mga minahan sa kalikasan.

Dahil dito, ikinagalak ng Obispo ang pagtingin ng pamahalaan sa kalikasan at sa tao na may pagpapahalaga.

“Ang mensahe ko sa kanya, salamat sa kanyang kahandaang laging makipag-usap sapagkat napakatagal nang issue itong pagmimina sa Pilipinas and for the past few administrations ito yung priority nila economic priority and for the first time meron tayong pangulo ngayon na ang kanyang tanong, hindi ito ang priority natin, iba at dapat tignan natin kung anong nangyari at dapat pagbayarin itong mga nanamantala at umabuso sa ating bayan na mga kumita at yumaman,” pahayag ng Obispo sa Radyo Veritas.

Taong 1969 nang magbukas ang Marcopper Mining sa Marinduque kung saan iniulat ng Marinduque campaigners na dito nag ugat ang unti-unting pagkasira ng kanilang kapaligiran. Kasunod nito taong 1993 naganap ang pinakamalaking trahedya sa lalawigan kung saan gumuho ang dam na tambakan ng mga mining residue at iba pang nakalalasong chemical mula sa mina.

Nagdulot ito ng pagkamataya ng dalawang indibidwal at malaking pinsala sa kabuhayan at agrikultura ng mga residente na magpahanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin naisasaayos.

Sa Laudato Si ni Pope Francis, kinondena nito ang ganitong pang-aabuso sa kapaligiran ng mga mayayamang bansa sa mga mahihirap na bansa tulad ng Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 47,193 total views

 47,193 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 47,193 total views

 47,193 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 47,193 total views

 47,193 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 45,751 total views

 45,751 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 41,784 total views

 41,784 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 284,177 total views

 284,177 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top