Obispo sa pamahalaan, panagutin ang mga sangkot sa passport data breach

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 498 total views

Umaapela sa pamahalaan ng masusing imbestigasyon ang pinuno ng Commission on Migrants and Itinerant People ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines hinggil sa passport data breach.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, dapat panagutin sa batas ang mga responsable sa pagkawala ng mga impormasyon ng mga Filipinong passport holder dahil maaring manganganib ang seguridad ng bawat mamamayan.

“We at CBCP-ECMI support for investigation about data breach in passport system. We appeal for thorough investigation, no sacred cows, those guilty be prosecuted,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Binigyang diin ng Obispo na dagdag pahirap sa mahigit sampung milyong Overseas Filipino Workers ang hinihingi ng Department of Foreign Affairs na birth certificate sapagkat karagdagang gastos ito sa mga Filipino.

Sa pahayag ni DFA Secretary Teodoro Locsin Jr., tinangay ng dating contractor na nag-iimprinta ng mga pasaporte ang mga dokumento makaraang hindi nagrenew ang ahensya sa kanilang serbisyo.

Nanawagan ang mga mambabatas sa DFA na ipaliwanag ang pangyayari lalo’t magdudulot ito ng panganib sa mga may pasaporte dahil maaring maikalat sa publiko ang kanilang mga personal na impormasyon.

Bukod dito inihayag din ng Malacañang na dapat imbestigahan ang nasa likod ng data breach sapagkat mahalaga ang mga dokumentong nawawala sa Department of Foreign Affairs.

Iginiit ni Bishop Santos na ang pagpapanagot sa mga nagkasala ay isang mabuting hakbang bilang naglilingkod sa bayan.

“To investigate, to correct the mistakes and mess, and to punish the guilty is great service to the country, especially to our OFWs whom we rightly called our modern day heroes,” panawagan ni Bishop Santos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 93,326 total views

 93,326 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 93,326 total views

 93,326 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 93,326 total views

 93,326 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 90,540 total views

 90,540 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 82,713 total views

 82,713 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top