1,290 total views
Nagpapasalamat ang Office of the Promotion on New Evangelization (OPNE) ng Archdiocese of Manila sa lahat ng Parokya, Donors, Benefactors, Volunteers at Partnered Agencies at media personnel na nakiisa upang maisakatuparan ang matagumpay na 11 Philippine Conference of New Evangalization (PCNE 11) ngayong taon.
Ayon kay Father Jayson Laguerta – PCNE Director, pagsisimula pa lamang ito ng pinaigtingin na pagpapalaganap ng pananampalataya sa Pilipinas at buong mundo.
Ito ay dahil bilang mga sugo ng Panginoong Hesukristo, mahalagang maisakatuparan bilang nag-iisang simbahan ang sama-samang paglalakbay tungo sa mga layunin ng Panginoon para sa sanlibutan.
“Sa ngalan ni Cardinal Jose Advincula, ang Chairman ng PCNE, at Bishop Danny Presto, ang Chairman ng Episcopal Commission on Evangelization and Catechesis, nagpapasalamat po kami sa lahat ng mga dumalo at nakibahagi sa PCNE XI, Padayon sa Misyon. Hindi natatapos ang ating misyon na ipahayag ang Mabuting Balita ni Hesus sa tatlong araw na pagdiriwang. Patuloy tayong isinusugo ni Hesus na maglakbay ng sama-sama patungo sa kaganapan ng buhay,” ayon sa mensaheng pinadala ni Fr.Laguerta sa Radyo Veritas.
Ito ang pahayag ng Pari sa pagdaraos ng PCNE 11 thanksgiving mass.
Panalangin pa ni Fr.Laguerta ang katatagan ng loob ng bawat organizers at mga nakiisa sa gawain at mas matibay na pundasyon ng pananampalataya upang magsilbing pag-asa para sa kapwa ay pagmimisyon bilang mga katoliko.
“Maging asin at ilaw na nagpapanibago sa ating mga pamilya at pamayanan. Padayon sa misyon. Huwag tayong mapagod sa pagpapaalala ng pag-asa lalo na sa mga taong napapagod na at nawawalan na ng sigla sa kanilang buhay. Padayon sa misyon,” ayon pa sa mensahe ni Fr.Laguerta.
Ang PCNE 11 ay ginanap noong July 18 hanggang 20 sa Quadricentennial Pavillion ng University of Santo Tomas kung saan palagi itong idinadaos kada taon.
Ngayon taon ay ipinagdiwang ito sa temang ‘Padayon: Synodal Witnessing of the Faith’ na dinaluhan ng limang libong delegado at kinatawan ng mga parokya sa Archdiocese of Manila at iba pang mga Diyosesis, kongregasyon at religous organization sa Pilipinas.