Out-going President at CEO ng Radio Veritas, pinuri ng Papal Nuncio to the Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,602 total reads

Pinuri ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang media arm ng Archdiocese of Manila sa patuloy na paglilingkod sa kabila ng mga hamong kinakaharap.

Ito ang mensahe ng nuncio sa 56th anniversary ng Radio Veritas sa April 20 sa pagdiriwang ng Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus.

Batid ni Archbishop Brown sa kasaysayan ang papel na ginampanan ng himpilan lalo noong tinaguriang bloodless EDSA People Power Revolution.

“For more than a half-century, since the station was formally inaugurated, Radio Veritas has been faithful to its mission of proclaiming the truth even in the most difficult and challenging times,” pahayag ni Archbishop Brown sa Radio Veritas.

Kinilala rin ng arsobispo ang pagsusumikap ng himpilan na palawakin ang gawaing ebanghelisasyon gamit ang iba’t ibang uri ng media kung saan bukod sa Pilipinas ay naaabot din ang ibang panig ng mundo.

Kasabay ng pagdiriwang sa halos anim na dekada ng himpilan ay ang pagretiro naman ni Fr. Anton Pascual bilang President at Chief Executive Officer makalipas ang 20-taong paninilbihan sa media arm ng arkidiyosesis.

Simula sa Mayo 2025 magiging President, CEO ng Radio Veritas si Fr. Roy Bellen na kasalukuyang Vice President ng himpilan at director ng Office of Communication ng arkidiyosesis.

Pinuri at pinasalamat ni Archbishop Brown si Fr. Pascual sa kanyang masigasig na pangangasiwa sa media ministry ng simbahan gayundin ang kanyang mga panalangin para kay Fr. Bellen na magsisimula sa bagong tungkulin.

Pinaalalahanan ng nuncio ang mga kawani ng himpilan na patuloy pagsumikapang maisabuhay ang misyon sa simbahan na ipalaganap ang Mabuting Balita sa pamayanan.

“Let us thank God on this anniversary day for the gift of Radio Veritas and pray that it will always be faithful to its mission of transmitting the truth, the truth which is Veritas, in all time,” dagdag ng nuncio.

Ika-20 ng Abril 2025, ipagdiriwang ng Radio Veritas ang ika-56 taong anibersaryo ng pagkakatatag sa Pamantasan Lungsod ng Maynila.

Magugunitang 1958 nang magtipon ang mga delegado ng Conventus Episcopaum, Asiae-Autro-Orientalis sa seminaryo ng University of Santo Tomas at tinalakay ang pagtayo ng istasyon ng radio sa pamamahala ng Simbahang Katolika bilang pamamaraan ng pagpapalaganap ng Mabuting Balita at katuruan ng Simbahan sa Silangang bahagi ng Asya at Oceania.

Abril 11, 1969 nang pormal na binuksan ang studio ng Radio Veritas sa Fairview Quezon City sa pangunguna ni His Eminence Antonio Cardinal Samore ang kinatawan ng Vatican katuwang ang noo’y Arsobispo ng Maynila na si Cardinal Rufino Santos.

Binisita naman ng Kan’yang Kabanalan Paul VI ang Radio Veritas noong ika – 29 ng Nobyembre 1970 kung saan binasbasan ang gusali at mga namamahala sa himpilan.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 29,421 total reads

 29,421 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 18,064 total reads

 18,064 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 54,685 total reads

 54,685 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 156,507 total reads

 156,507 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 197,066 total reads

 197,066 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 216,951 total reads

 216,951 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top