Over-dependence sa langis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 474 total reads

Kapanalig, ang ating over-reliance sa krudo ang isa sa naging pinakamalaking weakness ng ating bayan ngayon. Ang ating urbanisasyon ay nakasentro sa mobilidad na nakadepende sa mga de-langis na sasakyan. Kaya’t ngayong tila inaabot ng presyo ng krudo ang langit, sa halip na pang-long-term na kaunlaran ang ating nakamit, na-preso natin ang ating progreso sa langis. Sa pagtaas ng presyo nito, lahat na ng presyo ng batayang produkto ay nagtaasan na rin. At ang nakakalungkot, pati mga diskarte natin para kumita, naapektuhan na. Para  makapunta sa trabaho, malaking halaga pa ang gagastusin mo. Sa halip na kumita, marami ang nagkakautang pa sa ngayon.

 

 

Kapanalig, noong Hunyo 2021,  ang presyo ng gas dito sa Metro Manila ay nasa  P50-55 lamang at ang diesel ay nasa P40 lang. Ngayon, nasa P86 na ang gas at diesel. Sobra pa sa 100% ang tinaas ng diesel, kapanalig, na siyang pangunahing langis ng mga public transport vehicles. Dahil dito, marami ng jeepney drivers ang tigil-pasada muna. Sa krudo na lang kasi napupunta ang kita nila.

Ang sitwasyon na ito, kapanalig, ay sana’y naging matinding aral sa ating bansa. Dahil tayo ay nakadepende lamang sa krudo para sa ating mobility, kapag hindi na ito abot kamay, maraming mga industriya ang mapaparalisa. Maiibsan sana kahit papaano ang problema sa mobility ng tao kung ating tiniyak na ang urbanisasyon ng bansa ay naka-ankla sa prinsipyo ng sustainability.

Ang pagiging walkable at bikeable ng ating mga syudad ay isa sanang malaking tulong ngayon sa mga mamamayang Filipino na hirap na hirap na sa linggo-linggong pagtaas ng langis.

 

 

Kung bike-friendly lamang at pedestrian-friendly ang ating mga syudad, kapanalig, mas marami sanang mamamayan ang may opsyon para sa transportasyong maka-kalikasan at makatao. Sa ngayong kulang pa ang public transport, at nabawasan pa dahil sa taas ng krudo, ang bike sana at ang maayos na bangketa para sa naglalakad ay malaki ang tulong. Malaking ganansya ito para sa mga manggagawa ng bayan, kasama na ang mga frontliners, gaya ng mga health workers at iba pang propesyonal, na hindi na kailangang makipagtunggali pa sana sa kalye.

Ayon kay Pope Francis sa Laudato Si: Both everyday experience and scientific research show that the gravest effects of all attacks on the environment are suffered by the poorest. Kitang kita at damang dama natin ang katotohanan ng mga katagang ito sa gitna ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng langis. Kapanalig, ang ating over-dependence sa langis pagdating sa urban mobility ay matuturing na “injustice,” lalo na sa maralita. Kailangan ng ating bayan na mag-invest o mamuhunan na sa mga praktikal at mas matipid na modes of mobility hindi lamang para makatipid, kundi para na rin sa kinabukasan ng ating planeta.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 84,194 total reads

 84,194 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 118,365 total reads

 118,365 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 153,665 total reads

 153,665 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 379,934 total reads

 379,934 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 268,872 total reads

 268,872 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Just energy transition sa Semirara

 84,195 total reads

 84,195 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 118,366 total reads

 118,366 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 153,666 total reads

 153,666 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 379,935 total reads

 379,935 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »
Scroll to Top