Paalaala kaugnay sa kilos protesta sa Sept.21: “Let your voices thunder, but your hands stay clean”-Bishop Santos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,917 total reads

Nanawagan si Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos sa kabataan at mamamayan na makiisa sa isasagawang kilos-protesta sa Setyembre 21 bilang panawagan at pagtutol sa malawakang katiwalian sa pamahalaan.

Ang pagkilos na gaganapin sa Edsa Shrine at Luneta ay nataon din sa paggunita sa ika-53 anibersaryo ng pagdedeklara ng Martial Law ng dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ng Obispo na ang pag-aalala sa nakaraan ay dapat maging panawagan para sa katarungan at katuwiran.

“Fifty-three years will have passed since Martial Law was declared—a time that wounded our nation’s soul. And on that day, our young people will rise again, not in violence, but in truth,” ayon kay Bishop Santos.

Ayon sa Obispo, ang bilyun-bilyong pisong nawaldas sa flood control ay hindi lang numero kundi katumbas ng mga nasirang tahanan, mga nalunod na pananim, at mga gumuhong pangarap.
Idinagdag pa niya na ito ay malinaw na paglabag sa utos ng Diyos, ang “Huwag Magnakaw.”

Tinukoy din ng Obispo ang mga politiko, kontratista, at ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na dapat managot at ibalik ang ninakaw na pondo.

“They must return what they have stolen, face the courts of justice, and ultimately, the judgment of God,” giit ni Bishop Santos.

Gayunpaman, nanawagan siya sa kabataan na manatiling mapayapa at huwag hayaang lamunin ng galit ang kanilang pagkilos.

“Let your voices thunder, but your hands stay clean. Do not let anger consume you. The Lord sees your pain. He hears your cries. And He will not be mocked,” dagdag pa ng Obispo.

Binanggit din ni Bishop Santos na ang naturang martsa ay dapat maging “prayer in motion” at patunay na ang kabataang Pilipino ay gising at hindi bingi sa panawagan ng bayan.

“Let justice roll down like waters, and righteousness like an ever-flowing stream,” paalala ng Obispo na hango mula sa aklat ni Amos.

Ipinapanalangin din ng Bishop Santos na nawa ay gabayan ng Espiritu Santo ang mga lalahok sa payapang pagtitipon at palakasin ni Kristo ang kanilang loob, habang kasama nila sa paglalakbay ang mapaghimalang Birhen ng Antipolo, Our Lady of Peace and Good Voyage.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 54,530 total reads

 54,530 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 178,730 total reads

 178,730 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 264,098 total reads

 264,098 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 310,839 total reads

 310,839 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 358,705 total reads

 358,705 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 453,988 total reads

 453,988 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 54,531 total reads

 54,531 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »
Scroll to Top