Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Paalala sa mga lingkod-bayan

SHARE THE TRUTH

 207 total views

Mga Kapanalig, umani ng batikos ang video na inilabas ni Assistant Secretary Mocha Uson ng Presidential Communications Operations Office (o PCOO) kung saan ipinaliwanag sa sekswal na paraan ang pederalismo at sinabayan pa ito ng pagtukoy sa maseselang bahagi ng katawan ng babae. Marami ang nadismaya at nagalit sa ginawa ni ASec Uson dahil kahit lumabas ang video sa kanyang personal Facebook account, nangyari ito nang live sa oras ng kanyang trabaho, at ang ginawa niya at ng kanyang kasama ay hindi angkop sa isang lingkod-bayan. Plano pa namang ibigay sa opisina ni ASec Uson ang 10 milyon sa 90 milyong pisong budget para sa information campaign para sa pederalismo.

Disgusting” o nakasusuklam; “downright vulgar” o labis na mahalay; “a step backward” o isang hakbang paurong–ilan lamang ito sa pagsasalarawan ng mga nakapanood ng video. Nanawagan ang ilang senador at ang isang miyembro ng Consultative Committee, na bumuo ng draft Federal Constitution, huwag nang isali si ASec Uson sa gagawing information campaign tungkol sa pederalismo. Maliban kasi sa maaaring mahaluan niya ng kabastusan ang paliwanag tungkol sa pederalismo, kilala rin siya sa paggamit ng maling impormasyon gaya nang sabihin niyang Pilipinas na lamang daw ang hindi pederal na bansa sa Asya na hindi naman totoo.

Binatikos din ng grupong Every Woman ang ginawang video. Hindi raw lubos na nauunawaan ni ASec Uson at ng kanyang kasama na hindi kailanman dapat gamitin ang katawan ng babae—o ng tao—sa pagdidiin ng isang punto habang nakikipag-diskusyon, sa paghikayat sa mga taong bumili ng isang produkto, o sa pagkuha ng boto, dahil sa lahat ng ito, kasangkapan ang turing sa kapwa-tao. Nagkalat rin sa social media ang mga panawagang patalsikin na si ASec Uson dahil sa pag-aaksaya sa pondo ng pamahalaan upang bumuo ng isang hindi nakatutulong na video.

Mga Kapanalig, isa lamang ang kontrobersyang ito sa mga nagtutulak sa ating tanungin: anong klase ng pamumuno o leadership ang umiiral sa ating pamahalaan ngayon?

Malinaw ang panlipunang turo ng ating Simbahan, “Those with political responsibilities must not forget or underestimate the moral dimension of political representation.” Dapat tandaan at pahalagahan ng mga taong may pultikal na tungkulin ang moral na dimensyon ng kanilang panunungkulan, at nakaugat ito sa pakikiisa sa mga tao at sa pagtugon sa mga problema ng lipunan. Magagawa nila ito kung gagamitin nila ang kanilang kapangyarihan sa paglilingkod at pagsusulong ng kabutihan ng lahat o common good. Sa tingin mo, Kapanalig, paano naipakita sa kontrobersyal na video tungkol sa pederalismo ang pakikiisa ng isang lider ng pamahalaan sa mga tao at ang pagtugon niya sa problema ng bayan? Paano kaya roon naitataguyod ng isang lingkod-bayan ang common good?

Hindi rin dapat palampasin ang pagturing sa katawan ng babae bilang kasangkapan. Tahasan itong pagyurak sa kanilang dignidad. Hindi rin natin dapat hayaang magpatuloy ang pagpapalaganap ng mga lingkod-bayan ng maling impormasyon, hindi lamang tungkol sa pederalismo kundi sa lahat ng bagay. Hindi tunay ang kanilang paglilingkod kung mali at walang batayan ang kanilang mga ipinaaalam sa atin.

Mga Kapanalig, malaki ang inaasahan sa mga taong may panunungkulan dahil nariyan sila upang paglingkuran ang bayan. Hindi tayo naghahanap ng perpektong mga lingkod-bayan ngunit marapat lamang na asahan nating silang isapuso ang moral na dimensyon ng tungkulin nakaatang sa kanila. Hindi kalabisang usisain natin kung paano nila ginagamit ang pera ng bayan at ang kanilang oras sa pagtatrabaho. Sa mga pagkakataong nalilimutan nila ang kanilang tungkulin sa taumbayan at sa tuwing ang mga kilos nila ay salungat sa tungkulin nila, matapang nating ipaalala sa kanilang inaasahan natin ang kanilang pakikiisa sa paglutas sa mga suliranin ng bayan at ang kanilang pangunguna sa pagkamit ng kaunlaran ng lahat.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Inclusive Education

 5,690 total views

 5,690 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 11,445 total views

 11,445 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 18,708 total views

 18,708 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 26,693 total views

 26,693 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 34,228 total views

 34,228 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 5,691 total views

 5,691 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 11,446 total views

 11,446 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 18,709 total views

 18,709 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 26,694 total views

 26,694 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 34,229 total views

 34,229 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 46,951 total views

 46,951 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 54,993 total views

 54,993 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 46,550 total views

 46,550 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 44,975 total views

 44,975 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 46,761 total views

 46,761 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 43,686 total views

 43,686 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 58,000 total views

 58,000 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 61,690 total views

 61,690 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 60,293 total views

 60,293 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 70,280 total views

 70,280 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top