Pangangailangan ng mga binaha, patuloy na tinutugunan ng Diocese of Kalookan at Cubao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 975 total reads

Agad na sumaklolo ang Diocese of Cubao at Diocese of Kalookan sa mga biktima ng baha bunsod ng tuloy-tuloy na pag-ulan.

Inihayag ni Father Ronnie Santos, parish priest ng Christ the King sa Project 7, Quezon at head ng Diocese of Cubao Disaster Risk Reduction Management na agad na nagpakain at nagbigay ng relief ang Diocese sa mga binaha.

“Sa atin pong Diocese, identified po namin lagi yung mga parokya na binabaha. Kagabi po ay nagpakain na rin po agad tapos nagbigay ng relief goods sa kanila. Iyong mga parokya pong binaha sa amin ay yung San Antonio De Padua sa may West Riverside, Westerly Redeemer sa may Masambong, Holy Family po sa may Roxas at iyong kay Fr. Jojo Cerudo sa Holy Redeemer sa may Araneta.” pahayag ni Father Santos sa Radio Veritas

Sinabi ng Pari na agad na nagpalabas ng Calamity Fund ang Diocese of Cubao kaya tuloy-tuloy ang pagbabahagi nila ng tulong.

Gayunman, Humihingi pa rin si Father Santos ng tulong sa mamamayan para sa mga residenteng binaha ang lugar.

“Iyong Diocese natin ay naglabas agad ng pondo para po sa calamity fund so, agad-agad po mapag-hanggang ngayon po ay inaasikaso po sila.Sa atin pong mga tagapakinig, kami po ay kumakatok sa inyong puso, siyempre po sila ay nangangailangan ng pagkain dahil hindi sila makapagluto. Pagkain po, tubig, tapos ay mga damit po lalo na damit sa mga bata, damit sa mga magulang din po nila. Actually, mga gamot na rin dahil nagkakasakit na rin mga bata after.” panawagan ng pari sa Radio Veritas

Kaugnay nito, umaapela din si Father Benedict Cervantes, Social Action Center director ng Diocese of Kalookan ng ayuda para sa residente ng Kalookan na matinding binaha lalu ang Dampalit sa Malabon.

“Mga Kapanalig, nananawagan po kami sa inyo kasi kailangan po talaga nila ng mga gamit like blankets, dahil malamig ang panahon, kung meron po kayo diyan mga gamit para sa mga bata po, damit o gamot especially sa mga elderly natin at mga pagkain. Bukas po ang Caritas Caloocan sa mga nais magpadala ng tulong “In cash o in-kind”. apela ni Father Cervantes.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 118,337 total reads

 118,337 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 255,894 total reads

 255,894 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 371,670 total reads

 371,670 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 487,379 total reads

 487,379 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top