Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 510 total reads

Kapanalig, pagdating sa pabahay, marami pa ang hahabulin ng pamahalaan upang matiyak na may tahanan ang bawat pamilya. Sa ngayon nga, umaabot na ng mga 6.8 million ang housing backlog sa bansa. Malaking pagkukulang ito kapanalig – ang tahanan ang unang “refuge” o kanlungan ng tao, at ang kawalan nito ay nangangahulugan ng exposure o pagkalantad sa iba’t ibang panganib.

Kailan nga ba magiging sapat at abot kaya ang pabahay sa Pilipinas? Bakit nga ba sa halip na maging mas abot kaya ang pabahay sa bansa, mas nagiging mailap pa ito sa mga Filipino?

Nitong panahon ng pandemic, hindi lamang ang budget sa pagkain ang naapektuhan. Pati ang budget para sa pabahay ng mga Filipino, nakaltasan na rin. Marami kasi ang nawalan ng trabaho o nabawasan ang oras sa trabaho. Kasabay ng kawalan ng trabaho ay ang pagtaas ng halaga ng construction materials sunod ang presyo ng pabahay. Kaya kahit socialized housing, lumayo pa sa kamay ng mga ordinaryong mamamayan.

Medyo kulang din ang government support para sa pabahay. Kapag titingnan ang kabuuang budget ng bayan, napakaliit ang bahagi o share ng socialized housing. Mula 2016 hanggang 2020, nasa 0.2% hanggang 0.50% lamang ang bahagi nito sa public expenditures ng bayan. Noong 2021, naging 0.16% na lamang ito.

Makikita rin na kumokonti ang mga HLURB-approved na housing units for sale. Simula 2017 kung kailan may license to sell ang 140,000 house and lots, bumagsak ito sa 95,970 noong 2018. Bumagsak din ang dami ng license to sell para sa low-cost condo mula 104,196 units noong 2017 tungo sa 91,611 units noong 2018.

Ang access to finance din ay isa sa mga hadlang sa pabahay ng madla. Mahihirapan kang kumuha ng housing loan kung maliit ang kita mo. Kung makapasa ka man sa loan application, mabigat para sa marami ang monthly payments. Kaya hindi nakakapagtaka na marami ngayon ang nagpapa-salo na lamang ng bahay. Ibinebenta na nila ang mga nautang bahay, umaasa na lang na maibabalik ang kanilang inisyal na puhunan.

Kapanalig, kung tunay nating pinahahalagahan ang dignidad ng bawat isa, ang housing o pabahay ay magiging pangunahing prayoridad ng ating bansa. Sabi nga ni Pope Francis noong siya ay bumisita sa Washington DC noong 2015: “Let me be clear. There is no social or moral justification, no justification whatsoever, for the lack of housing.”

Ang kawalan ng pabahay ay simbolo ng pagkukulang ng lipunan, ayon sa Sollicitudo Rei Socialis. Ipinakikita nito na malayo pa tayo sa ating layunin na “authentic development of peoples.”

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 402 total reads

 402 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 37,786 total reads

 37,786 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 69,057 total reads

 69,057 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 146,609 total reads

 146,609 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 240,821 total reads

 240,821 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Halimbawa sa taumbayan

 403 total reads

 403 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 37,787 total reads

 37,787 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 69,058 total reads

 69,058 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 146,610 total reads

 146,610 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »
Scroll to Top