Pabakunahan ang mga anak na edad 5 hanggang 11 taong gulang, apela ng CBCP sa mga magulang

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 555 total views

Hinimok ng Opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga magulang na pabakunahan na ang mga anak na nasa edad lima hanggang 11 taong gulang bilang proteksyon laban sa COVID-19.

Ayon kay Pagadian Bishop Ronald Lunas, Chairman ng CBCP – Episcopal Committee on Basic Ecclesial Communities, bagamat muling bumababa ang kaso ng COVID-19 ay marami pa ring komunidad ang may mataas na hawaan.

Kaya sinabi ni Bishop Lunas na mahalagang pabakunahan na ang mga bata nang makaiwas mahawaan at magkakaroon ng malalang sintomas ng virus.

“Vaccination is perceived as one of the means to prevent a severe effect of COVID-19. Even Pope Francis considers receiving vaccines as an act of charity to others, even to ourselves,” pahayag ni Bishop Lunas sa Radio Veritas.

Iguniit naman ng Obispo na patuloy na iginagalang ng Simbahan ang desisyon ng mga ayaw pa ring makatanggap ng bakuna.

Ngunit, paalala ni Bishop Lunas na dapat pa ring maging maingat ang publiko upang maiwasan ang mahawaan at makahawa ng virus.

“While one’s decision is respected and we don’t discriminate against people, we encourage all to be extra careful and loving,” ayon sa Obispo.

Magsisimula na bukas, February 4 ang vaccination rollout para sa 15-milyong populasyon ng mga batang nasa edad lima hanggang 11.

Ang Pfizer COVID-19 vaccine pa lamang ang binigyan ng emergency use authorization ng Philippine Food and Drug Administration upang ipamahagi sa nasabing age group.

Batay naman sa ulat ng Department of Health, naitala ang 7,661 na panibagong kaso ng mga nahawaan ng COVID-19 habang nasa 160,297 ang aktibong kaso.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 26,355 total views

 26,355 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 26,355 total views

 26,355 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 26,355 total views

 26,355 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 25,449 total views

 25,449 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 23,096 total views

 23,096 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top