Health safety ng mamamayan, dalangin ng Diocese of Baguio

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 647 total reads

Patuloy na ipinapanalangin ng Diocese of Baguio ang kaligtasan at ikabubuti ng kalusugan ng mga mamamayan at manggagawa, higit na ang mga kabilang sa sektor ng turismo.

Ito ang pagbabahagi ni Baguio Vicar General Father Berlynden Dao-Anis, kaugnay ng pagluluwag ng pamahalaan sa mga patakaran sa sektor ng turismo.

“We pray health, healthy living parin and yun nga po para makaahon somehow sa epekto ng pandemyang ito,” ayon sa panayam ng Radio Veritas sa Pari.

Sa February 10 ayon sa Department of Tourism (DOT) ay hindi na kakailanganin pang sumailalim ng mga Fully Vaccinated na Banyagang Turista sa quarantine procedures, kaakibat ito ng pagkakaroon nila ng mga negatibong swab test results ng COVID-19 na kinuha sa loob ng 48-oras sa bago magtungo sa Pilipinas.

Pagbabahagi ni Father Dao-Anis ang katiyakan na pinag-aralan ng pamahalaan ang hakbang bago pairalin.

Kasabay ito ng apela na sa kabila ng pagluluwag ng panuntunan ay mananatili parin ang mahigpit na pagpapatupad ng mga health protocols upang mapangalagaan ang bawat isa.

“Atleast more or less napag-aralan din po ng pamahalaan yan, ng government, so with that I think i-establish parin yung minimum health protocols na masusunod,” ayon pa sa Pari.

Batid din ni Father Dao-Anis ang kahalagahan ng panunumbalik ng sigla ng turismo sa Pilipinas.

Ito ay upang makabangon ang mga manggagawa at negosyong kabilang sa tourism sector na nalugi ng dahil sa naunang mahihigpit na panuntunan dahil sa banta ng COVID-19.

“They really have to go into that as well kasi nga yun nga po, madami din actually ang naapektuhan ng kabuhayan isa yung tourism industry so kailangan din talagang makabangon din,” pagbabahagi pa ng Pari.

Kilala ang Baguio City bilang “Summer Capital of the Philippines” na isa sa mga sikat na tourist spot sa bansa.

Tulad ng ibang pook pasyalan ay nakaranas narin ng ibat-ibang suliranin at pagkalugi ang siyudad, ayon sa mga naunang pag-uulat ni Baguio Mayor Benjamin Magalong, umabot sa mahigit 3.5-Billion pesos ang ikinaluging halaga ng sektor ng turismo sa lugar ng dahil sa pandemya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 20,155 total reads

 20,155 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 100,915 total reads

 100,915 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 195,141 total reads

 195,141 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 255,630 total reads

 255,630 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 268,461 total reads

 268,461 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top